Chapter 2: "Encounter"

3.2K 70 0
                                    


Kahapon walang ginawa si Emerald kung di ang maglaro ng video games, manood ng t.v, matulog at kumain ng matatamis na pagkain. Naisipan nila Nathaniel at Nathalie na yayain siya na makipagkita sa mga kaibigan ngunit tumanggi at pinaalalahanan niya ang mga ito na huwag munang papuntahin ang mga iyon sa kanyang residence. Ngayon araw, araw ng lunes, nasa trabaho ang kambal. Wala naman si Lawyer Parker sapagkat may mahalaga itong inaasikaso kaya ang tanging nasa bahay ay si Emerald, Sha, Maria at Mr. Han.

(Bold = France)  


Kasalukuyan na nasa kanyang kwarto si Emerald. Nakahilata sa kama't nag-iisip ng gagawin. Limang minuto niyang ipinikit ang kanyang mga mata kasabay noon ay ang pag-iisip. "Ano bang pwedeng gawin?" tanong niya sa kanyang isipan. "Ah!" Minulat niya ang kanyang mga mata. Kinuha niya ang kanyang laptop na nasa ilalim ng kanyang kama. Binuksan ito't tinignan kung may bago siyang natanggap na e-mail. May clinick siya na ang filename ay confidential13. Nang mabuksan at makita ang file napangiti siya. "This is the beginning." Sinara niya ang kanyang laptop at nilagay sa ilalim ng kanyang kama. Kinuha niya ang kanyang bag na kulay green na nasa cabinet; sunod na ginawa niya ay kumuha ng matatamis na pagkain sa kanyang personal ref. "Happiness," nakangiti niyang saad habang naglalagay ng matatamis na pagkain sa bag.


'Happiness' ang tawag niya sa matatamis na pagkain sapagkat sa lahat ng pagkain ito ang nagbibigay ng tunay na kaligaya sa kanyang buhay.

Pagkababa niya dumeretcho siya sa kusina upang magpaalam kay Maria.


"Maria," tawag ni Emerald.


"Bakit may backpack kang dala? Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Maria. Naghihiwa siya ng karne para sa ulam mamayang tanghali.


"Pupunta ako sa hotel." Hinawakan ni Emerald ang straps ng bag.


Napatigil si Maria sa paghihiwa. "Hotel? Nais mo ba na ihatid ka namin doon?"


Umilng si Emerald. "Pahingi na lang ako ng tubig."


Nilapag ni Maria ang hawak na kutsilyo tapos kumuha ng tubig sa ref. "Milady, baka maligaw ka," wika niya habang lumalapit kay Emerald. "Hindi mo pa alam papunta doon." Nakatayo siya sa likod ni Emerald. Binuksan niya ang backpack nito't napangiti siya habang umiiling tapos nilagay niya ang isang bote ng tubig at isinara ang bag.


"May navigator naman isa sa mga kotse sa garage di ba?"


"Hmmmm...Milady." Muling naupo si Maria sa stool kung saan siya nakapwesto kanina. "Ikinababahala ko rin na baka mahuli ka dahil sa over speeding."


Napabuntong hininga si Emerald. "Sige na nga, ihantid niyo ako," labag sa loob niyang wika.


"Okay milady," nakangiting wika ni Maria. "Tapusin ko lang ito."


"Hintayin na lang kita sa living room."


Nahiga muna si Emerald sa couch habang nanonood ng paborito niyang cartoon na 'The Oggy and the Cockroaches'. Si Sha naman nagva-vacuum ng carpet.

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now