Chapter 22: "Unexpected"

1.2K 30 5
                                    


Ngayon araw ang kamatayan ng magulang ni Emerald. Naisipan niya na puntahan si Flint sa LGC upang humingi ng tawad sa binata dahil sa inasal niya kahapon. Nais niya rin na gamitin ang binata para gumaan ang kanyang pakiramdam. Hindi na kumatok si Emerald sa halip ay dire-diretso na lang itong pumasok kaya ang binata nabigla at napatigil sa pagtatype.


"Fiancey ko," gulat na reaksyon ni Flint. "Anong ginagawa mo dito?"


Tumayo si Emerald sa harapan ng lamesa ni Flint. "Baboman, sorry sa ginawa ko kahapon."


"Ako dapat ang magsorry sa iyo hindi ikaw."


"Okay para hindi na tayo mag-away kung sino ang dapat magsorry, pareho na lang tayong mali."


"Mabuti pa nga kung ganyan. So okay na tayo? Wala na tayong problema? Balik na ulit tayo sa dati?"


Tumango si Emerald. Umaliwalas naman ang mukha ni Flint.


"Uhm, bakit ka nga pala nandito? Di ba?—"


Naupo si Emerald sa visitor chair. "Gusto ko kasing gamitin ang shoulder mo."


"Para saan?"


"Para iyakan ko at para sabihin sa iyo lahat nang gusto kong sabihin sa eomma at appa ko. Pwede ba baboman?"


Tumayo si Flint. "Oo naman." Naupos siya sa isa pang visitor chair tapos inusog niya iyon upang makatabi kay Emerald. "Pwedeng pwede fiancey ko."


Nilapat ni Emerald ang kanyang noo sa balikat ni Flint at doon na siya nagsimulang umiyak. Habang umiiyak sa balikat ni Flint nilalabas na rin ni Emerald ang lahat nang nasa loob niya at kinuwento niya rin kung anong nangyari three years ago. Kinuwento rin ni Emerald kay Flint na minsan na siyang magtangkang magpakamatay dahil sa matinding depression. Nakaramdam ng kalungkutan at awa si Flint kay Emerald. Hindi rin niya lubos maisip na minsan nang nagtangkang magpakamatay ang dalaga dahil sa matinding depression. Niyakap niya si Emerald.  Nang matapos ang pag-iyak at paglabas ng saloobin, kinuha ni Flint ang kanyang panyo na nasa bulsa lamang ng kanyang coat. 


"Okay ka na?" tanong ni Flint habang pinupunasan niya ng luha si Emerald.  


Tumango si Emerald. Kinuha niya ang panyo ng binata at siya na ang nagpunas ng kanyang mukha. "Merci, baboman."  


Inayos ni Flint ang buhok ni Emerald. "Fiancey ko, sana hindi mo na ulitin yan. Kung may bigat at sakit ka man na nararamdamn o kaya naman may pinagdadaanan ka na hindi mo kayang ihandle sabihin mo lang sa akin. I-share mo sa akin kung hindi mo kayang i-share sa iba."


Tumango si Emerald. "Promise babo, hindi ko na uulitin iyon. Pangako rin na kapag may pinagdadaanan ako at hindi ko kayang ihandle, tatawagan kita."


"Tuparin mo yan."


Muling tumango si Emerald. "I will keep my promise."

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now