Chapter 2: "Preggy"

860 12 1
                                    


Nagpunta si Emerald sa CHO dahil may inemail si Director Hopper sa kanila na konektado sa kasong hinahawakan nila. Ito ay ang paghanap sa isang agent na nag-i-spy sa ILETA at SIE. Bago umakyat, kumuha muna siya ng ice cream. Ang mga kasama naman niya, nagtimpla ng kape upang mainitan ang katawan at nagsuot ng jacket dahil nangangatog sila sa sobrang lamig. Pinatodo kasi ni Emerald ang anim na aircon sa headquarters dahil hindi siya kontento sa lamig na nararamdaman ng kanyang katawan. Nais man nilang hinaan di nila magawa sapagkat iyon ang kagustuhan ng kanilang boss.

(Bold = French)


"E, nakatodo na ang aircon tapos kumakain ka pa ng ice cream. Hindi ka ba nilalamig sa ginagawa mo?" tanong ni Hale. Nakaupo siya sa couch katabi ang dalawa pang agent na umiinom din ng kape dahil nilalamig sila sa sobrang lakas ng aircon.


"Oo nga. Tignan mo nga kami naka-jacket tapos umiinom ng kape," saad ni Jonathan.


Hindi naman nagreklamo si Vladimir sapagkat batid niya na wala rin naman magagawa dahil sanay na sanay ang dalaga sa lamig at ayaw nito ng mainit.


"Hindi naman. Ang sarap nga sa pakiramdam. Ang lamig. Nakakarelax," tugon ni Emerald. "Tungkol nga pala saan ang inemail ni Director Hopper?"


Tumayo si Vladimir. Naupo siya sa kanyang swivel chair. Binuksan niya ang e-mail ng Director sa kanila. Binasa ni Emerald ang files na pinadala. Ang e-mail ay tungkol sa isa sa tatlong suspek nila na spy sa ahensya. Nakatala dito na ang spy na miyembro ng Nimrod Gang ay ika-tatlong leader pala ng grupo.


"Tama nga ang sinabi ni Charles na apat ang leader ng Nimrod Gang. Wala na ang dalawa, ang isa spy sa ILETA at SIE habang ang natitira naman hindi kilala," saad ni Emerald sa kanyang isip.


"Nang malaman yan ng dalawang agency nangamba sila dahil kung hindi nila ito agad nalaman tiyak na isang malaking problema ang magiging dala nito lalo na sa seguridad ng America at nang iba pang mga bansa," sabi ni Vladimir.


"Tinatanong ngayon ni Director Hopper kung ano na ang plano mo ngayon na alam na natin kung sino ang isa sa apat na leader ng Nimrod Gang at sino ang spy sa ILETA at SIE," wika ni Hale.


"Gagamitin natin siya para lumabas ang isa pang leader ng Nimrod Gang. Tiyak din naman kasi ako na may communication sila."


"Paano?" tanong ni Hale.


Ningitian ni Emerald si Hale. Sa ngiting iyon may pangambang naramdaman ang tatlo. Hindi rin nila nagustuhan ang ngiting pinakawalan ng dalaga sapagkat naalala nila ang sinabi nito sa kanila na may plano na itong naiisip ngunit delikado.


"Hindi ito maganda," salita ni Jonathan sa kanyang isip.


"May report pang pinadala si Director Hopper," wika ni Vladimir.


"Patingin ako," sumubo siya ng isang kutsara ng ice cream.


"It's still about Nimrod Gang." Biniuksan ni Vladimir ang pangalang inemail ni Director Hopper. Lumabas ito sa monitor 7, 8 at 9. Tinignan ni Emerald ang ika-pitong monitor.

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now