Chapter 27: "Guardianship"

1.1K 18 1
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas, tatlong araw na rin walang malay ang dalaga. Sa araw na ito dumating ang mag-asawang Amanda Deivournes at Denver Deivournes. Nang porma na nagpakilala si Amanda nagulat si Elrick at Chelsea. Ang alam kasi ng Leighsizzure family maliban kay Lady Georgina, ang tanging kapatid lang ni Sigmund ay si Maria.

Kasalukuyan silang nasa Leighsizzure Residence, kausap si Chelsea at Elrick sa loob ng library. Sa upuan, magkaharap si Elrick at Amanda, Denver at Chelsea. Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan. Sa katahimikan na iyon, hindi maiwasan ni Chelsea na hindi tignan si Amanda. Nakakaramdam kasi siya ng insecurity at hindi niya maiwasan na hindi ikumpara ang kanyang sarili dito. Nakikita niya na mas classy at mas sosyal tignan si Amanda kesa sa kanya.

(Bold = French)


"Dalawa pala ang tita ni Eunice sa side ni Sigmund. Akala namin si Maria lang," basag ni Elrick sa katahimikan.


"Hindi na kami magtatagal dito." Nilapag ni Amanda sa lamesa ang ilang dokyumento na dala nila—nakalagay ito sa envelope. Kinuha ni Elrick ang envelope. Nang makita niya ang laman nito napatingin siya kay Amanda.


"Guardianship?" saad ni Elrick.


Tumango si Amanda. "Signed by Althea and Sigmund Eun. Ayon sa dokyumentong yan kami ang tinalaga ng mag-asawa na maging legal guardian ni Emerald."


"Hindi namin alam ang tungkol dito."


"Three years ago, two days after the death of my brother and Althea, binigay yan sa amin ni Lawyer Parker. Pinaalam namin kay Emerald ang tungkol d'yan pero nagrequest siya sa amin kung pwede huwag munang ilabas."


"Why?"


"Gusto niya kasi na makasama pa sila Mhello ng mas matagal. Pinagbigyan namin siya sa request niya hanggang this year, tinawagan niya ako. Ang sabi niya sa akin after ng investigation sa kasong hinahawakan niya ilabas ko na ito. Ngayon na tapos na ang kaso, ito na ang araw para malaman niyo kung sino ang legal guardians niya."


Napahawak si Chelsea sa kanyang dibdib dahil biglang nanikip. "S-so ang sinasabi niyo rin, k-kinukuha niyo na...K-kinukuha niyo na siya sa amin?" tanong niya. Ang kanyang boses ay nanginginig at may namumuong luha sa kanyang mga mata.


Tumango si Amanda. Bumagsak naman ang namumuong luha sa mga mata ni Chelsea. Hindi niya kayang pakawalan si Emerald sapagkat napamahal na sa kanya ang dalaga at ito na ang tinuturing niyang bunsong anak.


"Ngayon niyo na siya kukunin? As in ngayong araw?" tanong ni Elrick.


"Tonight," tugon ni Amanda.


"Hindi niyo siya pwedeng ibiyahe sa ganyang kondisyon."


"May dala kaming air ambulance na magdadala sa kanya papuntang France at next week na rin ang surgery niya," tugon naman ni Denver.


Sa labas naman ng library, sa may living room nandoon ang maglola na si Near at Lady Georgina naka-upo sa couch. Wala si Mhello sa bahay dahil siya at si Auddrie ang nakatoka na magbabatay kay Emerald. Ang kambal naman nasa LGC.

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now