Chapter 11: "The Meeting"

1.4K 28 2
                                    


Nasa library si Emerald, Chelsea, Elrick at Lourd Derek—dulo-dulo ang mag-lolo habang ang mag-asawa nakaupo sa kanan na bahagi ng lamesa malapit kay Lourd Derek.


"Ano sa tingin mo ang ginawa mo kahapon?" tanong ni Lourd Derek kay Emerald ngunit ang tinatanong niya wala sa sarili at dinala ang isip sa ibang bagay. "Nakakahiya, lalo na kay Flint. Siya ang fiance mo pero ang atensyon mo na kay Charles."


Hindi pinapansin ni Emerald ang kanyang lolo dahil iba ang nasaisip niya, iyon ay kung ano ang panonoorin niya mamaya, Oggy, Spongebob o Adventure Time ba.


Napansin na ni Lourd Derek na hindi siya pinapansin ni Emerald. "EMERALD EUNICE!" sigaw niya upang matauhan ang apo ngunit baliwala lamang ang sigaw.


Tulala pa rin si Emerald dahil sa kanyang iniisip. Sa oras naman na ito, iniisip niya kung ano naman ang kakainin niya habang nanonood ng Adventure Time, kung cake ba, ice cream, cupcake o muffin. Hirap siyang pumili dahil lahat nang iyon ay gusto niya.

(Bold = French)


Siniko ni Chelsea ang tagiliran ni Elrick. "Hon, ikaw kumausap kay baby princess," bulong niya sa asawa.


Kinausap naman ni Elrick si Emerald. "Baby princess, kinakausap ka ng lolo mo."


Napatingin si Emerald sa kanyang lolo. "Ano ba yung sinasabi niya sa akin?" inosenteng tanong ng dalaga.


"Tungkol sa engagement party."


Nagpakalumbaba si Emerald. "Ahhhh..Intensyon ko talaga na ibigay ang attention ko kay Charles dahil pakiramdam ko sa kanya ako na-engaged," pang-aasar niya sa kanyang lolo.


Hindi kumibo si Lourd Derek sa halip makahulugan niya itong tinignan.


Nakipagtitigan naman si Emerald sa kanya at habang tumatagal pasama na ng pasama ang tingin ng dalaga. Sinasabi niya sa kanyang sarili na kailan man ay hindi siya makokontrol ng kanyang lolo na parang robot o puppet dahil iba siya sa mga Leighsizzure. "Pero kung si Charles na ang pinag-uusapan, handa akong maki-ride sa trip mo para maprotektahan siya," saad niya sa kanyang isip.


"Magtititigan na lang ba tayo?" tanong ni Lourd Derek.


"Napansin ko lang, angel ka pala sa labas pero sa loob demon naman, parang ako. Ang pinagkaiba nga lang yung kasamaan ko nakikita nila." Nagbuntong hininga si Emerald. "Kung alam lang sana nila ang tunay mong ugali old creature. Ang madumi at nakaksuklam mong ugali." Napabungisngis siya. "Alam na pala nila iyon dahil sinabi mo sa kanila ng harapan ang gagawin mo kay Charles kapag naging kami."


"Emerald tama na yan," awat ng kanyang ama.


Hindi pinakinggan ni Emerald ang kanyang ama. "Alam mo old creature, kapag mahal mo ang isang tao handa kang magsakripisyo, handa kang ipaglaban siya at handa kang protektahan siya kahit na anong mangyari." Tumayo siya. Nilapat niya ang kanyang dalawang palad sa lamesa at bahagyang dumukwang. "Remember that."

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now