Chapter 14: "Crazy Couple is Back"

992 17 4
                                    

Sa pagpasok ni Flint sa opisina, lahat ng kanyang masasalubong na empleyado ng LGC ay binabati niya ng isa magandang umaga habang may isang magandang ngiti na nakaguhit sa kanyang mga labi. Sa kanyang paghihintay sa pagbubukas ng elevator kumakanta siya ng Umagang Kay Ganda.


"Basta't tayo'y magkasama, laging mayroong umagang kay ganda. Pagsikat ng araw, may dalang liwanag, sa ating pangarap, ooohh...Haharapin natiiiin!" Paulit-ulit na kinakanta ng binata ang lyrics.


Sa kanyang paulit-ulit na pagkanta ng lyrics na iyon hindi niya namalayan na nakatabi na niya si Auddrie. Nakatayo ito sa kanyang kanan.


"Wow, ganda ng aura. Anyare?" tanong ni Auddrie.


Nagulat si Flint kay Auddrie. "Auddrie! Nandiyan ka pala."


"Ay, wala ako dito. Hologram lang ito," pamimilosopo ni Auddrie.


Napahawak ng ulo si Flint. "Sorry talaga, hindi kita napansin." Lumingon siya sa likod upang hanapin si Mhello. "Nasaan si Mhello? Bakit hindi kayo magkasabay?"


"May kausap lang sa labas kasama si Near. Anyway, bakit ang ganda ata ng umaga mo? Aura mo rainbow ang kulay at yang dimple mo ang lalim na naman parang abyss."


Inakbayan ni Flint si Auddrie. Bahagya niyang nilapit ang kanyang bibig sa tenga ni Auddrie. "Eh kasi kami na ulit," mahina niyang saad na may kasamang hiya at kilig.


Nagsalubong ang kilay ni Auddrie sapagkat hindi niya naintindihan ang sinabi ng binata. "Ano? Hindi ko naintindihan."


"Ang sabi ko kami na ulit ni Emerald ko," kinikilig na salita ni Flint habang may magandang ngiti sa mga labi. Tinanggal din niya ang kanyang kamay sa pagkakaakbay.


Nanlaki ang mga mata ni Auddrie sa gulat at tuwa. "Really?!? Teka lang huh...Sabi sa akin ni Xandrite niyaya mo si Eun sa probinsya niyo. So, nagbunga ang tatlong araw niyo doon?"


"AY, grabe naman yan. Nagbunga talaga? Auddrie, iba dating sa akin ng salitang yan huh."


Sinuntok ng mahina ni Auddrie ang braso ni Flint. "Kailan ka pa naging pilyo?"


"Sorry po...Kami na ulit ni fiancey ko. Nabalik ko na ulit ang crazy couple," masaya niyang saad.


Nagbukas ang pintuan ng elevator. Pumasok ang dalawa. Binati sila ng operator nito at pinindot nito ang floor kung saan naroroon ang kanilang opisina.


"Buti hindi ka nahirapan?"


"Oo nga eh. Ineexpect ko nga mahihirapan ako kasi siya nakipagbreak pero hindi pala kasi gusto rin pala niyang makipagbalikan."


Napangiti si Auddrie. "Masaya ako para sa inyo. Sana forever na yan."


"Forever na talaga ito," may tiwala sa sarili na salita ni Flint.


"Nice...So, ise-celebrate na ba natin ang pagbabalikan ng crazy couple at ang pagbabalik ng baby princess namin? Ipapasara ko ang resto."

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now