Chapter 16: "Hostage"

875 15 0
                                    

Ilan araw ang lumipas pagkatapos ng kainan, tinupad ng mga kaibigan ni Emerald ang pangako nila na hindi nila tatanungin si Candace sa kung ano ang nangyari bakit ito nagbreakdown. Sa kabila ng pagtupad ng mga ito, may namumukod tangi na may nangungulit sa dalaga. Pilit na inaalam ni Flint ang dahilan pero matigas ang dalaga, hindi niya talaga sinasabi.


"Ayaw mo ba talagang sabihin sa akin? Best friend din naman niya ako," saad ni Flint. Nakaupo siya sa couch. Hawak ang remote habang palipat lipat ng channel sapagkat naghahanap siya ng magandang palabas.


"Exclusive nga lang for both of us," tugon ni Emerald. Naka-indian sit siya sa couch. Nasa gilid siya ni Flint ngunit nakatalikod. Kumakain siya ng cherries na uwi sa kanya ng binata at magkaharap sila ng stuffed toy niyang si Oggy.


"Clue na lang kung tungkol saan."


"No."


Nagbuntong hininga si Flint dahil ayaw talagang sabihin sa kanya. "Kung ayaw mo eto na lang...Tumawag sa akin si Freddie kanina, sinabi niya na nag-eenjoy si King doon. Yung mga pasa at sugat niya unti-unti nang gumagaling."


"Mabuti naman," tugon ni Emerald. Abala siya sa pagkain ng cherries. "Alam mo babo, dapat pinahuli mo na rin ang bullshit boozer na iyon eh para totally wala nang problema."


"Gusto ko rin yan, matagal na, ang iniisip ko lang ang pamilya niya. Walang wala na nga sila tapos makukulong pa ang padre de pamilya eh di lalo silang lumubog." Nakatuon ang tingin ni Flint sa t.v habang nililipat ang channel. "Lalong mahihirapan ang nanay ni King na buhayin ang mga anak niya. Kahit na mangingnom tatay ni King kahit papaano naman may pakinabang naman sa kanya."


"Wala akong paki kahit na may pakinabang sa kanya. Mali ang ginawa niya and I hate that kind of person yung sinasaktan ang anak, yung hindi kayang mahalin ang anak. Nakakainis, parang gusto ko tuloy ipatikim sa kanya ang batas ni E."


"Anong batas yan?"


"Shoot to kill or I will call for assassination. Wala siyang lugar dito sa mundo."


Tinigil ni Flint ang paglilipat. Tumingin kay Emerald. "Nagjojoke ka lang di ba?"


Nilingon ni Emerald si Flint nang may seryosong mukha. "Mukha ba akong nagjojoke?"


Umiling si Flint. Pinagpatuloy ni Emerald ang pagkain ng cherries habang ang binata pinagpatuloy naman ang paghahanap ng mapapanood. Sa paglilipat nito ng channel, nahagip ng kanyang mata ang isang breaking news. Ang balita ay tungkol sa hostage taking na nagaganap sa central district ng Frontera Metropoli.


"Fiancey ko, tignan mo oh, may hostage crisis sa isang coffee shop."


"So?"


"Ikaw si E di ba?"


"Ako nga." Inayos ni Emerald si Oggy dahil natumba ito mula sa pagkakaupo. "Ano naman kung ako siya?"


Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now