Chapter 3: "Last Will and Testament

792 12 2
                                    

Tumawag si lawyer Parker kay Emerald. Sinabi niya sa dalaga na pupunta siya sa residence dahil may pag-uusapan sila ngunit sinabi sa kanya nito na magkita na lang sa Imperial Hotel sapagkat pupunta siya sa CHO. Nagkita sila sa room no. 726.


"Milady, tungkol sa last will and testament, tanong ng tanong sa akin ang attorney ni grandmaster kung kailan ka makikipagkita sa kanya," wika ni lawyer Parker.


Tumayo si Emerald. Lumapit sa bintana atsaka tumanaw. "Sa totoo lang, wala na akong balak na kunin sa kanya ang last will and testament o malaman ang laman dahil hindi ko naman din kailangan ng yaman ni old creature."


"Kaso lang milady may nabanggit sa akin ang attorney ni grandmaster na kapag hindi mo tinanggap ang last will and testament mapupunta iyon sa backup or alternate beneficiary."


"Nasabi ba niya kung sino ang alternate beneficiary?"

Tumango si Lawyer Parker.


Humarap si Emerald kay lawyer Parker. "Sino?"


"Sinabi niya sa akin na kapag hindi mo iyon tinanggap ang lahat ng assets ni grandmaster ay mapupunta sa isang charity."


Napangisi si Emerald at napailing. "Nakakatawa. Hanggang sa huli pathetic pa rin siya."


"So what is your decision now?"


Muling naupo si Emerald. "Bago ako magdesisyon, gusto ko na ulitin mo ulit sa akin ang maaaring laman ng last will and testament."


Tumikhim si lawyer Parker. "Sige po. Tungkol sa beneficiary at alternate beneficiary.According sa pag-uusap niyo noon ni grandmaster iniipit ka niya kaya sa nakikita ko po sa beneficiary ikaw lang. Ang pangalan mo lang ang nakasulat. Sa alternate beneficiary naman may possibility wala ni isa sa mga Leighsizzure ang makikinabang. One hundred percent sa charity mapupunta. So ang magiging malaking kapalit ng pagtanggi mo walang makukuha ni isang kusing sila Mhello. Mawawala sa kanila ang airport, schools, hospitals, at iba pang properties tulad ng bahay, villas at ranch."


"Paano mo naman nasabi ang mga yan?"


"Uulitin ko milady dahil iniipit ka niya. Gagamitin niya sila Mhello para mapapayag kang tanggapin ito. Alam niya kasi kung gaaano sila kahalaga sa iyo at ayaw mo silang nalalagay sa alanganin na sitwasyon. At iyon lang ang paraan. Ang huwag silang ilagay sa last will and testament dahil kung ilalagay niya ang mga ito as his beneficiaries kahit na tumanggi ka wala siyang mapapala. Mababaliwala lahat ng plano niya laban sa iyo. Alam na alam niya ang weakness mo, milady."


Muling tumayo si Emerald at tumanaw sa bintana. "Tama si lawyer Parker. Pagdating kay Mhello at Near gagawin ko ang lahat huwag lang silang malagay sa kapahamakan o sa alanganing sitwasyon."


"Sa tingin ko milady tama ang una mong desisyon na huwag na lang tanggapin lalo na kung buhay mo naman ang nakasalalay. Total din naman nasa iyo ang LGC na isa sa pinakamalaking asset ni Lourd Derek. Na under ng company na yan ay ang mga hotel, resort at casino. Balak mo rin naman iyon ibalik sa Leighsizzure di ba?"

Our Teenage Boss by IamLycheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon