Chapter 5: "Eujuan"

739 15 4
                                    


"Kamusta pagmamanman niyo?"


"Nakita namin si Eunice kahapon na may kasamang maliit na babae. Kasama niya ito hanggang sa hotel." Kinuha niya ang kanyang cellphone. Hinanap ang litrato ni Emerald at Lynx. "Ito po, boss." Inabot niya ang kanyang cellphone sa kanyang boss. "Bago pa po sila pumunta sa hotel nakita niya yan sa kalsada tapos pinasakay sa kotse niya."


Tinignan ng lalaking may subong tabako ang litrato. "Ano pa?"


"Ilan oras ang lumipas, kasama naman niya ay isang lalaki na maputi at mukhang kano."


"Mukhang kano?"


"Opo boss. May litrato rin po ako ng lalaki. Kasunod lang po n'yan."


Inislide pakanan ang litrato at nalipat ito. Nagulat ang lalaki nang makita niya kung sino ang lalaki na tinutukoy nito. "Si Charles? Bakit si Charles ang kasama niya? Wala na ba sila ni Eijiro?" tanong ng lalaki sa kanyang isipan.


"Sinundan po namin sila mula sa art museum hanggang sa mall. Boss, maghapon po silang magkasama."


Binalik ng lalaki ang cellphone ng kanyang tauhan. "Ipagpatuloy niyo pa ang pagmamanman hanggang sa makasiguro tayo."


"Opo, boss."


"Umalis na kayo."


Umalis ang dalawa.


"Kung natuloy nga ang relasyon ng dalawa mahihirapan kami nito na magamit ang traydor na iyon laban kay Eunice." Humithit ang lalaki atsaka binuga ang usok. "Charles, tinik ka talaga sa grupo."


Patungo sa living room si Emerald nang makita niya si Alexandrite na nagpipinta sa porch. Napakagaan at ganda ng aura nito kaya nilapitan niya ang kapatid.


"Mukhang maganda kinalabasan ng date niyo," wika ni Emerald.


Agad na niyakap ni Alexandrite si Emerald dahil sa sobrang tuwa. "Unnie, thank you, thank you and thank you," masaya niyang saad. Kumalas siya sa pagkakayakap. "Thank you talaga. Ikaw talaga ang pinaka the best na unnie."


"Wow, pinaka na the best pa. Gusto ko yan." Naupo si Emerald. "Matagal ko na dapat ginawa yan kaso lang masyado akong na-busy."


Naupo rin si Alexandrite. "Talaga?"


Tumango si Emerald. "Nagpapatulong siya sa akin noon and sabi ko sa kanya tutulungan ko siya sa iyo."


"Ibigsabihin okay sa iyo si Charles? Kasi tinulungan mo siya."


"Oo naman. Alexandrite, matagal ko nang kilala si Charles kaya wala akong problema sa kanya."


Our Teenage Boss by IamLycheМесто, где живут истории. Откройте их для себя