Chapter 32: "Birthday"

927 20 0
                                    


Nasa biyahe na ang magkakaibigan patungo sa lugar na sinabi sa kanila ni Emerald. Sa pagkakataon na ito tama at saktong lokasyon na ang binigay sa kanila. Ang gamit nilang sasakyan ay minibus na pagmamay-ari ni Stephen. Sa passenger seat ang nakaupo ay si Stephen at Near, sa likod ng upuan ng driver ang nakaupo ay si Auddrie at Mhello, sa likod nila ay si Steven at Sandy. Kahilera ng dalawa si Flint ngunit ang upuan nito ay nakahiwalay sa kanila. At sa pinakalikod naman ang magkakatabi ay si Nathaniel, Nathalie at Candace.

Nakasandal ang ulo ni Flint sa binta—nakatanaw sa malayo—may nakapulupot na scarf sa kanyang leeg habang hawak ito at kumakanta.


"Sa kanya pa rin, babalik sigaw ng damdamin sa kanya pa rin sasaya, bulong ng puso ko, kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan, ang pagmamahal at panahon, alay pa rin sa kanya," kanta ni Flint habang nakatanaw sa malayo at feel na feel ang kanta. "At sa hatinggabi, at nagi-isa na lang, ay minamasdan ang larawan mo, at ngayo'y bumalik ng siya'y kapiling pa, alaala ng buong magdamag, kung sakali mang isipin na ito'y wala sa akin, sana'y dinggin ang tinig kong nagi-isa pa rin."


Kinalabit ni Steven si Sandy tapos tinuro niya si Flint habang nagpipigil siya ng tawa. Nang makita ni Sandy si Flint nagpigil din siya ng tawa tulad ni Steven.


"Grabe makapag-emote ang lolo mo," mahinang saad ni Sandy kay Steven. "Flint, paalala lang sa iyo na beach ang pupuntahan natin hindi yung ma-snow na lugar."


"I know."


"Huwag nga kayong ano d'yan. Alam naman pala niya eh," saad ni Auddrie.


"Walang basagan ng trip. Di ba hapon?" wika naman ni Nathalie.


"Ewan ko sa inyo." Tinaas ni Flint ang kanyang paa. Siniksik niya ang kanyang sarili sa gilid at hinawakan ang scarf. Pinagpatuloy niya rin ang kanyang pagkanta ngunit iba naman. "I remember the days, when you're here with me. Those laughter and tears we shared for years. Memories that we had for so long it's me and you. Now you're gone away. You left me all alone..."


Nang malapit na sila sa kanilang destinasyon, tinext ni Near si Jamie upang ipagbigay alam dito na malapit na sila. Kailangan na ang sopresa para kay Flint ay nakahanda na.

Makalipas ang isang oras, nasa destinasyon na sila. Unang bumaba si Flint dahil siya ang malapit sa pintuan. Pagkababa sinara niya ang pintuan. Hindi naman bumaba agad sila Mhello dahil may kinuha sila sa ilalim ng upuan na confetti poppers. Nilagay nila iyon sa kanilang bag.


"HOY! Bakit hindi pa kayo lumalabas d'yan?" tanong ni Flint.


Binuksan ni Sandy ang pintuan. "Sorry naman kasi naman sinara mo agad. Feeling mo ikaw lang tao dito sa loob ng minibus," saad niya bilang palusot.


"Pasensya naman. Na-excite ako."


Pagkapasok nila sa bahay na tutuluyan, nagulat si Flint dahil sa pagputok ng confetti poppers na ang may kagagawan ay si Nicholai, Blaize, Jamie at Emerald. Sumunod na rin sila Mhello. Sa pagputok ng confetti poppers, walang bumati sa kanila ng 'Happy Birthday' dahil ang gusto nila si Emerald ang unang bumati sa binata.

Our Teenage Boss by IamLycheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon