Chapter 16: "Tres"

549 8 0
                                    

Malalim na ang gabi, nagtungo si Punisher sa bahay ni Tres. Kasalukuyan silang nasa basement dahil ipapakita ni Tres kay Punisher ang mga nanakaw ng kanilang grupo sa tatlong bangko. Ang mga perang nakaplastik na nagkakahalaga ng milyon-milyon piso ay bulto-bultong nakalapag sa sahig. 


"Ito na ang mga perang nalikom ng grupo mula sa mga bangko," wika ni Tres.


"Sapat na ba ang mga yan?" tanong ni Punisher.


Lumapit si Tres sa bulto-bultong pera. Nilapat niya ang kanyang kamay sa ibabaw atsaka tinignan ang mga ito. "Hindi pa. Kailangan pa ng mga dalawa hanggang tatlong bangko para mabawi ang mga nawala sa atin at magkaroon ng sapat na pera para makabili ng mga armas at makapag-recruit ng mga bagong miyembro dahil sa totoo lang kumokonti na lang tayo dahil sa mga operasyon ng tatlong ahensya." Nagpamulsa si Tres. Nilapitan niya si Punisher. "Punisher, alam mo sa totoo lang nababagot ako sa ginagawa ng grupo na pagnanakaw. May pattern nga tayong ginagawa pero hindi naman pinapansin ni E." Inakbayan niya si Punisher. "Hindi ako sanay na hindi tayo pinapansin ng detective na iyon."


"Ano gusto mong palabasin? Gusto mong sabihin sa kanya ang pagnanakaw na ginagawa natin?"


Inalis ni Tres ang kanyang kamay sa pagkakaakbay. Muli siyang lumapit sa mga pera ngunit humarap siya kay Punisher. "Oo. Gusto kong ipagmalaki sa kanya ang mga ginagawa natin. Gusto ko rin na magkaroon ito ng thrill. Naboboring kasi talaga ako. Naninibago ako na walang E o CHO na humahabol sa atin. Isa pa, mas masaya ngayon lalo pa't kasama niya ang Frontera Police. Tama ba ako?"


Napangiti si Punisher.


"Sa ngiti mong yan tila tama ako at pumapayag ka sa gusto ko."


Tumango si Punisher.


"Mabuti. Mamaya pagbalik ko, uutusan ko ang ilan tauhan ko na nakawan na ang sunod na target na bangko at magpakilala na kung sino sila."


"Saan ka pupunta?"


"Makikipagkita ulit ako kay Charles."


"Hindi ka pa rin sumusuko sa kanya?"


Umiling si Tres. "Hindi pa. Malaki kasi ang maitutulong n'ya sa atin lalo pa't karelasyon niya si Eunice. Ayoko rin naman masayang ang nadiskubre natin tungkol sa kanilang dalawa."


"Paano kung ganon ulit ang sagot niya?"


"Wala na akong magagawa kung di ang turuan siya ng leksyon."


Pagkatapos na maipakita ang mga pera at ang pag-uusap tungkol sa susunod nilang gawin, nagtungo ang dalawa sa bakuran para mag-inuman. Nagsalin si Punisher ng alak sa kanyang baso habang may subong sigarilyo. Nang masalinan ang baso kinuha niya sa kanyang bibig ang sigariyo. Inipit niya ito sa pagitan ng dalawa niyang diliri atsaka kinuha ang isang baso ng alak. Ininom niya ito. Muling sinubo ang sigarilyo. Nakadekwatro naman si Tres. Pinaglalaruan niya ang baso na may kaunting alak. Ininom niya ang natitirang alak sa kanyang baso.

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now