Chapter 11: "Missing"

536 8 0
                                    

4:30 pa lang ng umaga gising na si Luke, Nicholai, Maria at Jamie. Nasa kusina silang lahat para maghanda ng kakainin nila para sa agahan. Binigyan ni Maria ang tatlo ng kanya-kanyang gawain. Si Luke ang taga-hiwa ng manok, si Nicholai ang sa gulay habang si Jamie naman sa pagsasaing na kailangan upang i-fried rice. Sa kanilang pagiging abala, narinig ni Luke na tumunog ang doorbell. Nagtaka sila dahil ang aga-aga may bisita na agad.


"Ganitong oras may nagdo-doorbell?" tanong ni Luke.


"Sino naman kaya iyon?" tanong naman ni Nicholai.


"Eh kung binubuksan niyo na kaya para malaman niyo kung sino?" wika naman ni Jamie.


"Oo nga naman. Nicholai, ikaw magbukas," salita ni Luke.


"Bakit ako? Ikaw na. Ikaw unang nakarinig ng doorbell."


"Madumi ang kamay ko."


"Pwede naman ata maghugas noh?"


Dahil sa turuan ng dalawa kung sino ang magbubukas ng pintuan, tinigil ni Maria ang kanyang ginagawa. "Ako na lang." Lumabas siya ng kusina.


Nagsisihan naman si Nicholai at Luke.


"Ayan, nakakahiya tuloy kay Ms. Maria," wika ni Nicholai.


"Ngayon nahiya ka?" salita naman ni Luke.


"Hoy, kayong dalawa. Tama na yan. Kasalanan niyo yan nagturuan pa kasi kayo," saad ni Jamie.


Nanahimik ang dalawa at pinagpatuloy ang kanilang gingawa.


Nasorpresa naman si Maria nang buksan niya ang pintuan at mas nasorpresa siya sa suot nitong cycling clothes at may hawak na helmet. "Young master Flint."


Bahagyang niyuko ni Flint ang kanyang ulo. "Magandang umaga po."


"Young master, huwag mo na akong i-po. Pakiramdam ko ang tanda-tanda ko na."


"Ay pasensya ka na Miss Maria. Lagi kong nakakalimutan na konti lang ang tanda mo sa akin at kagalang galang ka kasi."


Napangiti si Maria. "Ikaw talaga. Pasok ka na."


Our Teenage Boss by IamLycheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon