Chapter 25: "Justice Served"

1.1K 26 6
                                    


Nakahanda na ang lahat sa restaurant. Ang mga plano ni E ay nakalatag na. Ang tanging kulang na lang ay mag-umpisa ang meeting sa pagitan ng Yoon Group of Company, LGC at Equilibrium. Ang mga agent na pinadala ng SIE at ILETA ay naka-pwesto na sa labas ng resto kasama si Hale. Si Jonathan naman nasa loob ng van upang bantayan ang nangyayari sa loob at labas ng restaurant sa pamamagitan ng tatlong monitor na nasa harapan niya. Mayroon siyang dalawang headphone, ang isa para marinig niya ang pag-uusap sa loob ng resto at ang isa naman para may komunikasyon siya kay Hale. Ang mga t.v screen na nasa loob ng restaurant ay kanyang kontrolado kaya kahit ano ay pwede niyang ipakita dito.

Bago pa man din magtungo si Emerald sa restaurant, inutos na niya kay Hale na kapag pumalag ang targets at may ginawa na makakasakit sa ibang tao, shoot to kill na. Kung hindi nila susundin ang utos na iyon may gagawa noon na ibang tao para sa kanya.


"Hale, stand by, mag-uumpisa na ang meeting," saad ni Jonathan.


["Copy."]


Sa loob ng restaurant naupo si Emerald sa dulo ng lamesa habang sa kabilang dulo naman ay si Lourd Derek—sa kaliwa niya nakaupo si President Yoon. Si Vladimir at Jamie naupo sa kanang bahagi ng lamesa—bandang gitna.


"Simulan na natin ang meeting," saad ni Emerald habang kumakain ng jelly beans at gummy bears.


"Hindi pa tayo mag-uumpisa dahil wala pa si E," salita ni President Yoon.


Nagtaas ng kamay si Jamie. "Excuse po. I'm Jamie Deivournes, president and representative of Equilibrium. Kahit wala po si E pwede na po tayong mag-umpisa. Kami na po ng katabi ko ang bahalang magbalita kay E kung ano ang napag-usapan at naging resulta ng meeting na ito."


"Gusto ko nandito si E. Tawagan mo siya."


"Sigurado ka po?"


"Tinatanong pa ba yan? Malamang oo."


"First of all, nakakintindi at marunong ka po ba mag-french?"


"Bakit?"


"Si E po kasi. Mas koportable siya na magsalita ng french."


"Kahit papaano, nakakintindi naman ako kaya ayos lang."


"Okay po. Wait lang." Kinuha ni Jamie ang kanyang cellphone. Tumigil siya sa pagpindot. "President Yoon, oo nga po pala nasa France po siya at kung papapuntahin ko siya dito maghihintayn po tayo ng more or less twelve hours. Okay lang po ba?"


Tumiklop ang kamao ni President Yoon sa inis. "Tawagan mo na lang siya." Pigil ang kanyang inis nang sabihin niya ang mga salitang iyon.


Hindi pa tinatawagan ni Jamie si E, lahat ng t.v screen sa loob ng restaurant ay nagbukas at nag-appear ang logo ng CHO—ito ay hugis octagram na naglalaro sa kulay violet, black at white. Sa loob nito ay may kulay itim na bilog at sa loob naman ng bilog ay may balance na ang outline ay kulay violet. Kinonekta ni Jonathan si E. Sa pamamagitan ng speakers sa loob ng restaurant maririnig nila ang boses ng detective na parang robot.

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now