Chapter 20: "One Year Crazynniversary"

980 13 5
                                    

Nasa Leighsizzure Residence si Flint upang yayain si Emerald mamasyal ngunit pagpasok niya walang tao. Una niyang pinuntahan ang kusina, sunod ay ang patio sa may labas ng living room. Doon niya natagpuan si Maria, umiinom ng tea at nagbabasa ng magazine.


"Ms. Maria." tawag niya dito. Nakatayo sa may di kalayuan at may bitbit na malaking paper bag.


Napalingon si Maria. "Young master. Maupo ka muna." nilapag niya ang tea cup.


Lumapit si Flint. "Ayos lang po. Nasaan po si Fiancey ko?"


"Nasa kwarto niya. Puntahan mo na lang po."


"Sige po."


Bago umakyat sa kwarto ng dalaga, iniwan niya ang kanyang mga dala sa may likod ng couch tapos umakyat sa second floor. Pagkaakyat nagtungo siya sa kwarto ni Emerald. Kumatok siya ngunit walang sumasagot. Pinihit niya ang doorknob at na-swerte hindi nakalock ang pintuan. Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan. At habang binubuksan niya ng paunti unti, unti unti rin sumisilip ang kanyang mga mata. Tuluyan na niyang binuksan ang pintuan. Sa kanyang pagpasok, nalanghap niya ang mabangong hangin—amoy ng lavander.


"Ang bango-bango talaga dito," saad ni Flint sa kanyang isipan habang nilalanghap ang hangin.


Pagkatapos langhapin ang mabangong hangin, may gumuhit na ngiti sa kanyang mga labi nang makita niya ang sinisinta na natutulog. Doon din niya nalaman na kaya pala hindi sinasagot ang kanyang mga tawag. Nilapitan niya ito. Sumukot siya sa may bandang gilid ng kama kung saan masisilayan niya ang mukha ni Emerald. Dahan dahan niyang nilapat ang kanyang bisig sa ibabaw ng kama at dahan dahan din niyang hinihiga ang kanyang ulo dito. Tinapat niya ang kanyang mukha sa mukha ni Emerald.


"Ang amo talaga ng mukha mo pero kapag nagsalita patay na," saad niya sa kanyang isipan at napangiti siya. "Sabi nila sa akin mababago ko raw ang ugali mo. Fiancey ko, sa totoo lang ayaw kong magbago ka dahil sa ganyan kita nakilala." Inayos niya ang kumot ni Emerald. "Fiancey ko, I love you so much," pabulong niyang saad.


Biglang umangat ang ulo ni Flint dahil dumilat ang mga mata ni Emerald. Ang mga mata nito ay papikit-pikit


"Ano ba yan hanggang sa panaginip nakikita ko si Baboman at ang strange pati pabango niya naamoy ko. Ganon ba talaga ako patay na patay sa kanya?" salita ni Emerald habang nakatitig kay Flint.


Ngumiti ng malapad si Flint kay Emerald.


Nagsalubong naman ang kilay ni Emerald at muling pumikit. "Bwiset, bangungot ka, baboman," muli niyang tugon sa kanyang isipan. "Isang magandang bangungot."


Inalis ni Flint sa pagkakahiga ang kanyang ulo. "Fiancey ko, kung iniisip mo na nananaginip ka, pwes nagkakamali ka," nakangiti niyang salita. "Gumising ka na."


Nang marinig niya ang boses ni Flint, muli niyang minulat ang kanyang mga mata. Tinignan niya ang binata atsaka tinusok-tusok ang malalim nitong dimple.

Our Teenage Boss by IamLycheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon