Chapter 27: "Cracking the Codes"

691 7 4
                                    

Dahil sa inis kay Hailey, naisipan ni Emerald na ibuhos ang lahat nang iyon sa pag-crack ng code kaya nagtungo siya sa CHO headquaters. Papasok pa lang inutos niya agad kay Hale na bigyan siya ng ballpen at papel. Agad naman siyang binigyan ng kanyang agents. Naupo siya ng pa-indian sit sa swivel chair tapos inis na nilapag ang papel sa ibabaw ng table.

(Bold = French)

Nagbulungan ang tatlong agents niya.


"Ano kayang gagawin niya?" tanong ni Jonathan.


"Ang malaking tanong bakit siya inis?" saad ni Vladimir.


"Lapitan natin," yaya ni Hale.


Tinignan ni Jonathan si Emerald. Nakikita niya ang inis na aura nito. "Kayo na lang l—"


"Agents," tawag ni Emerald.


Napaayos ng tayo ang tatlo at kinabahan dahil baka pagalitan sila nito pero wala naman silang maisip na dahilan upang gawin iyon ng kanilang boss.


"Y-yes, E?" tanong ni Hale.


"Today, I will crack the code."


Nagkatinginan ang tatlo.


"Ahh...G-good," salita ni Jonathan. "Para matapos na."


"Tumawag din dito si Mhello sabi niya na-crack na niya ang criminal's code at mamaya pupunta siya dito para personal na ipakita sa iyo."


"Okay," wika ni Emerald.


"E, kailangan mo ba ng kopya ng code?" tanong ni Vladimir.


Umiling si Emerald. Hindi na niya kailangan dahil kabisado niya ito. Nagpangalumbaba siya at sinimulang isulat ang code sa papel.


Victim's Code:

<RrQne>X(31.12)dm8<19Ueor>11.16<ZIT>i3(81.40)deK<24Qsbn<TK(50.81)ucb11OV>h4tTLS(50.81)a>ened22>19.15<erdo8>mrz24<ushe2><OTen>


Naupo ang tatlo sa couch sapagkat ayaw nilang ma-istorbo si Emerald. Mahina silang nag-usap-usap.


"Sa tingin niyo ba sa aura niya ngayon makapag-isip siya ng maayos?" tanong ni Hale.


"Sa itsura rin niya parang wala siyang gana. Yun bang hindi siya interesado at napilitan lang," dagdag ni Jonathan.


"Huwag na kayong mag-alala, siya si E. Kaya niya yan kahit ganyan itsura at mood niya," sagot ni Vladimir.


Unang sinulat ni Emerald ang maliliit na letra.

r, n, e, d, m, e, o, r, i, d, e, s, b, n, u, c, b, h, t, a, e, n, e, d, e, r, d, o, m, r, z, u, s, h, e, e, n.

Our Teenage Boss by IamLycheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon