Chapter 3

244 4 0
                                    

Pinaupo muna ni Yurie si Emerald sa kanyang swivel chair sapagkat tila nablanko ang isipan nito dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman. Kinuha naman ni Hale si Emerald ng tubig sa personal ref ni Yurie na nasa pantry. Pinainom niya iyon para mahimasmas ito.

"Okay ka na?" nag-aalalang tanong ni Yurie. Kinuha niya ang bote ng tubig kay Emerald. Pinatong niya ito sa lamesa.

Tumango si Emerald.

"Pinapangako ko sa iyo na kapag nalaman ko ang dahilan agad kong sasabihin sa iyo. Walang labis, walang kulang para hindi ka na mag-isip tungkol doon."

Muling tumango si Emerald. Ilan sandali, umilaw ang cellphone ni Yurie. Nang tignan ni Emerald kung sino, sinabi niya kay Yurie na tumatawag si Director Hopper. Napapikit ng mata si Yurie atsaka napabuntong hininga. Minulat niya ang kanyang mga mata't napailing. Dismayado kasi siya kay Director Hopper dahil hindi ito tumupad sa kanilang usapan.

"Tinawagan ka niya. Tama ba?" wika ni Yurie. Hindi niya muna sinagot ang tawag at hinayaan lang niya itong magring. Nais niya kasi makausap si Emerald.

"How did you find out?"

Ngumiti si Yurie. "Because I am E. I know everything."

Medyo napangisi si Emerald at napailing dahil ang linya na sinambit ni Yurie ay orihinal na sa kanya. Hindi siya sanay na marinig ito sa ibang tao. "So weird."

"Why? Because you are not used to hear those words to other people?"

Tumango si Emerald.

"Don't worry hiniram ko lang yan ngayon. Hindi ko yan gagamitin dahil linya mo na yan since then. Kahit hindi ka pa si E."

"Okay lang na gamitin mo yan dahil mas bagay sa iyo yan." Nasabi ni Emerald ang mga salitang ito dahil alam niya sa kanyang sarili na mas maraming alam si Yurie at aminado siya na mas matalino rin ito kesa sa kanya. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit sobra ang paghanga at respeto niya dito. Ang dalaga rin ang inspirasyon niya para maging isang magaling na negosyante.

Umiling si Yurie. "Hindi ko yan gagamitin dahil classic yan. Kailangan i-treasure," biro niya "Di ba?" tanong niya sa tatlo. Kinuha niya ang cellphone ngunit nasakto na tumigil sa pagtawag si Director Hopper.

Tumango naman si Jonathan at Vladimir habang si Hale nag-okay sign. Medyo natawa si Emerald.

Guminhawa ang pakiramdam ni Yurie nang makita't marinig si Emerald na tumawa. Kahit paano ay naibsan ang pag-aalala niya sa dalaga. "Buti naman okay ka na." Hinawakan niya ang kamay ni Emerald. Humingi siya ng tawad sa kaibigan dahil sa nasabi niya kanina dito. Nangako rin siya na hinding hindi na niya iyon sasabihin kahit kailan. Sa pagyakap niya kay Emerlad, tumunog ang hawak niyang cellphone. Tumatawag ulit si Director Hopper. Kumalas siya sa pagkakayakap. "He's calling again."

Bago niya ito sagutin binigyan siya ni Emerald ng isang paalala na huwag pagalitan si Director Hopper. Hindi naman maipangako ni Yurie sapagkat sinira nito ang usapan nila.

"Bakit ka sumira sa usapan?" bungad na tanong niya kay Director Hopper.

"Pasensya ka na. Gusto ko lang talaga na hawakan mo ang kaso."

"Tatanggapin ko na yan pero siguraduhin mo na hindi na tatawagan ng dalawang ahensya si Emerald. Kapag sumira ka pa alam mo na ang mangyayari." Kinausap noon ni Yurie ang ILETA at SIE na huwag nang kontakin si Emerald dahil gusto niya na wala na itong koneksyon dito sapagkat baka bigyan na naman ng mga ito ang kaibigan ng malaking problema. Pero kung labas naman sa dalawang ahensya malaya naman sila Director Hopper at Director Clifford na tawagan si Emerald. Kapag sumira sila sa usapan, walang alinlangan na aalis si Yurie sa CHO ng walang successor. Kapag nangyari ito mawawala na ang CHO. Malaking kawalan iyon sa ILETA at SIE.

Our Teenage Boss by IamLycheWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu