Chapter 21: "Gotcha"

788 12 0
                                    

Gising na si Emerald ngunit nakahiga pa rin siya sa kanyang kama. Hawak ang kanyang cellphone habang tinititigan ang litrato ni Flint. Ang ganitong gawain tuwing umaga ay naging routine na niya.


"Babo, wala pa rin akong maisip na gift para sa iyo," wika ni Emerald.


Simula noong huwebes hanggang ngayon araw ay nag-iisip pa rin siya ng maaaring iregalo kay Flint. Ayaw naman niyang magpatulong dahil ang nais niya isang daan porsyento na sa kanya at ideya niya ang regalo.


"Ano ba?"


Natigil ang kanyang pagtitig at pag-iisip nang marinig niya mula sa telepono na nakalagay sa side table ang boses ni Maria. Nilapag niya ang kanyang cellphone sa aide table.


["Milady, wake up. It's breakfast time," wika ni Maria. Hindi siya makapasok ng kwarto dahil naka-lock ito mula sa loob.]


Kinuha ni Emerald ang isang remote na kung saan kontrolado ang lock ng pintuan maging ng bintana. Nang marinig ni Maria na may nag-beep, binuksan niya ang pintuan atsaka pumasok.


Yumuko si Maria. "Milady."


Sumandal si Emerald sa headboard. "Susunod ako." Nag-inat siya.


Muling yumuko si Maria. Lumabas siya ng kwarto. Nagbihis naman si Emerald at nagsuot ng Oggy plush earflap hat na bigay sa kanya ni Flint. Sa pagpasok niya ng dining room, napatigil siya ng lakad, nagsalubong ang kilay at nagtaka sa kung ano ang nangyayari.


"Why all you here? What is the occasion?" tanong ni Emerald.


Bukod kay Maria at Alexandrite, nasa dining room din si Mhello, Auddrie, Near, Nathalie, Nathaniel, Jamie at Blaize. Pinapunta ni Alexandrite ang pito para makatulong sa kanya upang makapagplano sa kung ano ang pwedeng gawin para sa anibersaryo ni Flint at Emerald. Ito ay surpresa at walang idea ang dalawa. Hindi naman nakasama si Yurie dahil may pupuntahan siyang meeting. At mamayang hapon na lang siya pupunta kasabay nila Sandy, Candace, Daniella at Charles. Si Flint naman hindi pa sigurado kung makakarating ngunit kinukulit ito ni Alexandrite.


Tumayo si Alexandrite, nilapitan ang kapatid at inakbayan ito. "Wala naman kapatid," tugon niya dito. Naglakad sila patungo sa upuan nito. Hinila niya ang upuan atsaka pinaupo ang kapatid.


Naupo si Emerald. "Anong wala? Lahat kayo nandito tapos wala? Ano nga?"


Muling naupo si Alexandrite sa kanyang pwesto. "Masama bang kumain tayo ng sabay sabay?"


"Okay. Sabi mo eh...Maria."


"Yes, milady?" wika ni Maria.


"Aalis nga pala kami ni babo mamaya."


"Okay po, milady."


"We-Wait!" saad ni Alexandrite.

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now