Chapter 4: "Date"

706 11 0
                                    

Maganda ang naging gising ni Emerald dahil pagkagising pa lang niya kausap na niya agad si Flint. Binalita sa kanya ng binata na dalawang araw na lang babalik na siya. Dahil sa magandang balitang iyon, nakangiti siyang lumabas ng kanyang kwarto, nakangiting bumaba at nakangiting pumasok sa dining room. Nagtaka sila Blaize kung bakit ganon ang aura ng kanilang milady dahil hindi iyon pangkaraniwan sa kanila lalo pa't binati sila nito ng magandang umaga na kailan man hindi nangyari.


"Good morning, sunshine," nakangiting bati ni Emerald sa lahat. Naupo siya.


"Wait, good morning, sunshine?" tanong ni Luke. "Milady, kailan ka pa natutong bumati ng ganyan?"


"Ngayon lang dahil sooobrang ganda ng umaga ko."


"Anong meron? Bakit maganda umaga niya?" bulong ni Nicholai kay Blaize.


"I have no idea, dude," tugon ni Blaize.


"Bakit maganda ang gising mo?" tanong ni Jamie.


"Si Flintstone yan noh?" hula ni Alexandrite.


Nakangiting tumango si Emerald. "Kaya huwag mong sisirain, okay?" wika niya kay Alexandrite.


"Ako talaga?"


"Oo ikaw. Meron pa ba?"


"Ayo—"


Hindi natuloy ang sinasabi ni Alexandrite dahil pinigilan siya ni Jamie. "Enough, Alexandrite. Maganda na nga mood niya, sisirain mo pa?"


"At ako talaga?"


"Sorry. Basta tama na, okay?"


"Sige na nga para hindi na rin masira ang araw ko."


Pagkatapos kumain, tinulungan pa ni Emerald si Maria na magligpit ng mga pinagkainan at tumulong na rin ang dalaga sa paghuhugas. Pinipigilan na siya ni Maria ngunit sinasabi niya dito na maganda ang kanyang umaga, huwag itong sirain. Dahil sa kaba ni Maria na siya ang makasira ng umaga ng kanyang milady, hinayaan na lang niya ito na tumulong sa kanya sa paghuhugas ng mga pinagkainan.


"Maria, after natin dito punta tayo sa hq," wika ni Emerald. Nilalagay niya ang mga plato sa cabinet kung saan ito nakalagay.


"Sige po, milady," sagot ni Maria. Nilalagay naman niya ang mga kutsara, tinidor at kutsilyo sa drawer kung saan ito nakalagay.


Nang matapos ang dalawa sa kanilang ginagawa sa kusina, nag-ayos na sila ng sarili.


"Saan kayo pupunta?" tanong ni Alexandrite. Nakupo siya sahig habang nanonood ng t.v at kumakain ng potato chips na nasa ibabaw ng center table.


Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now