Chapter 3: "Colère de Dieu"

967 18 3
                                    

Gabi ng sabado, naisipan ng dalaga na magbike sa labas ng residence. Nagpaalam siya sa kanyang lola ngunit hindi siya pinayagan nito dahil mapanganib para sa kanya. Nalaman nila na may tangka sa buhay ng dalaga dahil sa impormasyon na nakalap ng SIE at ILETA sa America.

(Bold = French)


"Huwag mong ipilit ang gusto mo," saad ni Lady Georgina.


"Grandmommy, hindi naman ako lalayo, d'yan lang ako sa tapat ng residence." Suot na ni Alexandrite ang protective gears at ang kanyang bike ay nakahanda na sa labas ng bahay.


"Kung gusto mong mag-bike doon ka na lang sa lake area o kaya pabuksan mo yung pangalawang gate para malayo ang ikutan mo."


"Ayoko."


"Hindi nga kasi pwede. Delikado para sa iyo at mahirap na, hindi natin alam na baka umaali-aligid mga tauhan ng lolo Lourd Derek mo."


"I can take care of myself."


"Still no."


Sinimangutan ni Alexandrite ang kanyang lola.


"You brat...Huwag mo akong simangutan ng ganyan," galit na saad ni Lady Georgina. "Kung ayaw mong sundin ang utos ko umakyat ka na lang sa kwarto mo."


Agad na umalis si Alexandrite sa harapan ng kanyang lola. Napatayo naman si Lady Georgina dahil sa halip na patungong hagdanan ang dalaga para umakyat sa kwarto sa ibang direksyon ito nagtungo.


"CASSIE ALEXANDRITE! Bumalik ka dito!"


Hindi pinakinggan ni Alexandrite ang kanyang lola. Lumabas siya ng bahay atsaka sumakay sa kanyang bike palabas ng residence. Dahil sa sigaw na iyon naman napatakbo si Near at Blaize kay Lady Georgina.


"Grandmommy!" sigaw ng dalawa.


"Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?" tanong ni Near.


Napabuntong hininga si Lady Georgina dahil sa katigasan ng ulo ng kanyang apo. "Mas matigas talaga ang ulo ni Alexandrite kesa kay Emerald," malayong sagot ni Lady Georgina dahil sa inis sa apong babae. Naupo siya sa couch.


"Ano ang nangyari?" muling tanong ni Near.


"Nagpupumilit kasi siya na magba-bike siya sa labas ng residence. Hindi ko siya pinayagan dahil delikado nga. Ayun, hindi nakinig sa akin."


"Sundan ko na lang po siya," saad ni Blaize.


"Mabuti pa ngang sundan mo baka kung mapano ang batang iyon."


Umayat si Blaize sa kanyang kwarto upang kunin ang susi ng kotse niya.

Sa pagbabike ni Alexandrite, may isang kotse na paparating. Wala itong alinlangan na binunggo ang dalaga. Tumalsik siya ng ilang metro at ang kanyang helmet ay natanggal. Mula sa pagkakahiga sa lupa, kahit na hirap, tinignan ni Alexandrite kung sino ang bumunggo sa kanya ngunit hindi niya maaninag ng husto sapagkat nasisilaw siya sa liwanag na nagmumula sa ilaw ng kotse.

Our Teenage Boss by IamLycheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon