Chapter 15: "Tease"

907 14 0
                                    

Ilan minuto ang lumipas, dumating si Alexandrite kasama si Charles. Nagbeso siya kay Auddrie at sa iba pa. Sa pagbeso niya napansin niya na wala si Flint. "Nasaan si Flintstone? Bakit wala siya? Nag-away na naman kayo?" tanong niya kay Emerald.


"Kailan lang kayo nagkabalikan nag-away agad kayo?" salita ni Auddrie.


"Don't jump into conclusion. Nasa dining room si babo tinutulungan si Maria mag-ayos."


"Ahhh..." sabay sabay na reaksyon ni Nathalie, Sandy, Auddrie at Alexandrite.


"Ahhh..." panggagaya ni Emerald. "Mga baliw kasi kayo."


"Nagsalita ang matino," wika ni Sandy. 


"Mas baliw ka kaya sa amin," wika naman ni Nathalie.


"Para sabihin ko sa inyo, sa lahat ako ang pinaka-matino."


"Matino ka? Saan banda?" tanong ni Alexandrite.


Pinulupot ni Emerald ang kanyang braso sa braso ni Candace. "Cands, sabihin mo sa kanila matino ako. Ikaw rin Charles at Mhello."


Bahagyang natawa si Charles at Mhello.


"Naghanap ka pa talaga ng kakampi ha," natatawang saad ni Auddrie.


"Pero matino naman talaga ang baby ko..." pangbibitin ni Mhello.


"Weeehh?" sabay sabay na reaksyon nila maliban lang kay Charles at Nathaniel.


"Matino kapag tulog," pagpapatuloy niya.


At nagtawanan ang lahat. Nagsalubong naman ang kilay ni Emerald dahil pinagtutulungan siya. Wala rin siyang mahanap na kakampi dahil si Candace at Charles, nakisali na rin sa pang-aasar.

(Bold = French)


"Wala ka pala sa kanila eh," saad ni Alexandrite. Gusto niya ang nangyayari dahil sa ganitong paraan pakiramdam niya nakabawi na siya sa mga pang-aasar na ginagawa sa kanya ni Emerald.


"Gustong gusto mo naman?" tanong ni Emerald.


"Aba syempre naman," sagot ni Alexandrite.


"Humanda ka sa akin mamaya."


"Maaga akong matutulog."


Nang pumasok ng bahay si Near, agad itong nilapitan ni Emerald. Niyakap niya ito mula sa gilid at nagsumbong na parang bata. "Near, inaaway nila ako," sumbong niya.


"Sorry baby princess, hindi kita matutulungan. Pupuntahan ko kasi si Jamie sa hotel." Hinalikan ni Near sa ulo si Emerald. "Guys, babalik ako." Umalis siya.

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now