Chapter 6

192 4 0
                                    

Pagkabukas ni Emerald ng pintuan, agad na bumungad sa kanya si Flint. May dala itong paperbag na naglalaman ng pagkain nila. Nakangiting pinakita nito sa kanya ang dala.

"Sabi ni Mister Tracy may kausap ka?"

Sinarado ni Emerald ang pintuan. "Meron nga at hindi mo deserve malaman kung sino." Ayaw na niyang sabihin kung sino ang nasa loob dahil magtatanong nang magtatanong lang si Flint. Wala na rin siyang balak sabihin sapagkat hindi na rin naman nito makikita si Lucas.

Tinanong ni Flint ang asawa kung nasaan ito dahil walang lumabas na ibang tao sa opisina. Ngunit, sa halip na sagutin siya, hinawakan siya sa kamay nito. Niyaya siya na kumain na lang sa opisina ni Yurie. Pero habang naglalakad napansin niya ang hawak nitong maliit na box.

"Ano yan hawak mo?" tanong ni Flint.

"Isa itong chip para sa system ng Equilibrium. Ipapakita ko kay Yurie," saad niya kahit slam nsman niya na nakita na ito ng dalaga.

"Galing ba yan doon sa kausap mo?"

Tumango si Emerald.

Sa pagpasok nilang dalawa sa office of the president, nakita sila ng isang empleyado ni Yurie. Yumuko ito at binati sila. Nang marinig ng iba, kahit na abala sa kani-kanilang trabaho, tumayo sila para magbigay galang. Kung si Emerald hindi pinapansin ang mga ito, kabaliktaran naman si Flint. Binabati ni Flint ang mga ito ng may ngiti. Tumigil ang mag-asawa sa harapan ng pintuan ng opisina ni Yurie. Iniisip ni Emerald kung ano ang kalagayan ni Yurie matapos nitong makita at makausap si Lucas. Nag-aalala siya para dito.

"Bonjour, milady, monsieur (sir)," bati ng assistant ni Yurie.

"Bonjour," nakangiting bati ni Flint.

Sa pagbukas ni Emerald ng pintuan, agad na bumungad sa kanila ang tawa ni Blaize at Yurie. Nawala ang pag-aalala niya para sa dalaga.

"Ang saya nila," mahinang saad ni Flint. "Huwag n—" Naputol ang kanyang sasabihin nang tuluyang buksan ni Emerald ang pintuan. Sasabihin niya dapat na huwag nang istorbohin ang dalawa. "Papasok na kami," nakangiting saad ni Flint sa assistant ni Yurie.

Napatigil si Yurie at Blaize sa pagtawa nang maramdaman nila na may pumasok. Tinanong ni Yurie si Emerald kung ano ang ginagawa nila sa opisina niya. Sinagot naman siya nito na dito sila kakain ni Flint. Pumayag naman si Yurie. Sanay na siya at minsan nakakasabay niya rin ang dalawa kumain dito. Naupo ang mag-asawa sa sofa. Nilapag ni Flint sa sahig ang paperbag. Isa-isa niyang pinatong sa center table ang laman nito.

"Wanna join us?" tanong ni Emerald. "I will give you half of my food," alok niya kay Yurie. Pinatong niya sa table ang box na dala niya. Kinuha niya ang chopsticks.

"Baka mabitin ka lang," wika ni Yurie.

"Okay na kami," dagdag ni Blaize.

"Did I offer you?" tanong ni Emerald kay Blaize.

"Ay ayos ka naman. Ano yan kayo kakain ako nakatunganga sa inyo?"

"Oo dahil hindi ka kasama sa plano ko. Hindi ko rin naman kasi alam na nandito ka."

"Pwedeng mabago p—"

Inawat na ni Yurie ang dalawa. "Stop it. E, kayo na lang ni E.F kumain. Okay lang kami ni B."

Dahil sa madali naman kausap si Emerald, hindi na niya pinilit si Yurie. Pagkatapos kumain ng dalawa, nilapitan na ni Yurie at Blaize ang mag-asawa. Magkatabi silang naupo sa kabilang sofa. Tumaas naman ang isang kilay ni Emerald habang nakatingin kay Yurie. Napansin ng dalaga ang tingin sa kanya nito kaya napangiti siya. Alam na niya kung ano itatanong nito sa kanya.

Our Teenage Boss by IamLycheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon