Chapter 25: "Drunk"

509 10 12
                                    

Naghahanda si Flint ng kanilang agahan. Ang kanyang menu ngayon ay grilled cheese, sausage, ham, bacon at itlog. May ihahanda rin siya na mainit na kape para sa kanya, hot chocolate para kay Emerald at gatas naman para kay King. Habang nagpiprito siya ng bacon, nakaupo si Emerald sa stool.


"Babo, ayaw mo ba talaga na tulungan kita?" tanong ni Emerald.


"Ayaw. Hayaan mo akong pagsilbihan ka, milady. Si King pala? Gising na siya?"


Umiling si Emerald. "Tulog pa rin. Ayoko naman gisingin baka kasi mawala sa mood. Sumpungin."


May naalala si Flint na isang tao na tila ganon ang ugali. Na kapag ginising mawawala sa mood. "Parang may kakilala akong ganyan."


"Si ano ba yan? Si..."


"Gusto mo sabay tayo magbanggit ng pangalan?"


Tumango si Emerald.


"Alexandrite," sabay na wika ng dalawa atsaka sila natawa.


"Paano mo nalaman yan?"


"Nalaman ko yan kay Mhello. Na-kwento niya sa akin noon na nang ginising ni Jamie si Alexandrite gamit ang air horn nawala ito sa mood. Hindi ka naman ganon di ba?"


Umiling si Emerald. "Nope. Lalo na kung ikaw gigising sa akin."


Napangiti si Flint. "Ay kinilig naman ako."


"What's knew? Lagi ka naman kinikilig sa mga sinasabi ko sa iyo."


"Ay grabe ka."


"Totoo naman di ba?"


Medyo natawa si Flint dahil totoo naman ang sinasabi ni Emerald. Nang matapos siya sa pagpiprito ng siyam na bacon, naglagay siya sa bawat pinggan ng tig-tatatlo nito—hati-hati silang tatlo. Sinunod naman niya ang tatlong ham. Nang maluto nilagyan niya ang tatlong pinggan ng tig-iisa nito. Huli niyang niluto ang itlog. Nagbasag niya ng isa nito sa pan.


Habang pinapanood ni Emerald si Flint magluto biglang sumagi sa kanyang isapan kung gaano siya nagpapasalamat sa binata. Kung wala ito hindi na niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya. "Alam mo babo napaka-thankful ko talaga."


"Thankful saan?"


"Thankful ako kasi dumating ka sa buhay ko. Kaya babo, huwag na huwag kang mawawala sa akin. Huwag mo akong iiwan kahit na anong mangyari dahil you are my life, my love, my happiness, my everything and most of all my happily ever after. Tayong dalawa lang dapat. Ikaw at ako lang."


Lumalim ang dimple ni Flint dahil sa kilig. Dahil din sa kilig nakalimutan niya ang priniprito niyang itlog. "Ano ba yan fiancey ko, kinikilig ako," wika niya habang ang kamay ay nakalagay sa pisngi at namumulupot na parang sinabuyan ng isang drum ng asin. "Hindi naman kita iiwan. Kahit na anong mangyari."

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now