Chapter 3: "Baboman"

2.8K 61 2
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang dumating si Emerald sa bansa at hanggang ngayon si Maria pa rin ang umaasikaso sa kumpanya at tulad ng bilin niya inuuwi ni Maria ang mga dokumento at papeles na kailangan ng kanyang pirma. Tatlong araw naman ang nakalipas simula nang sumakit ang kanyang ulo at sa araw na ito maayos na ang kanyang pakiramdam.

Wala si Maria sa bahay kaya naisipan niya na tawagan ito sa pamamagitan ni Mr. Hans. Nagpaalam siya na pupunta siya mag-isa sa park upang makalanghap ng sariwang hangin at nais niya makakita ng ibang kapaligiran. Nangako rin siya rito na wala siyang gagawin na di maganda. Dahil doon pinayagan na siya ni Maria at si Mr. Hans pinaalalahanan ang kanyang milady na mag-ingat sa biyahe.

Nang makarating sa parke pinarada niya ang kanyang kotse. At bago bumaba, tinignan niya muna ang paligid tapos sinabit sa kanyang balikat ang kanyang backpack. Sa di kalayuan may nakita siya na isang pulis na hinahabol ang isang lalaki na naka-t-shirt na kulay maroon at naka-short lamang ito. Nang malapit na sa kanya, tiniyempo niya ang pagbukas ng pintuan kaya ang lalaking tumatakbo at hind nakatingin sa dinadaanan—nakatingin sa pulis na humahabol sa kanya—ay nabunggo at napaupo. Dahil sa ginawa ni Emerald nahuli ng pulis ang magnanakaw. Nagpasalamat ito sa kanya ngunit ang pasasalamat na iyon ay hindi tinggap ni Emerald.

"Miss, maraming salamat sa tulong," salita ng pulis habang pinoposasas ang magnanakaw.

"Thank you for the help?" Sinara ni Emerald ang pintuan. "What help?" Tinignan niya kung may gasgas ang pintuan ng kanyang sasakyan. "I didn't intend to help you, sheriff."

"Kung ano pa man po iyon, maraming salamat pa rin." Tinayo ng pulis ang magnanakaw.

"Tulong," bulong ni Emerald sa kanyang sarili tapos ay naglakad palayo sa insidente. Nagsalubong ang kilay niya nang maramdaman ng kanyang katawan ang sobrang init na panahon.

Habang naglalakad, lumilingon siya sa kanyang kaliwa at kanan. Humahanap siya ng isang lugar na presko at walang masyadong tao. Nakakita siya ng isang malaking puno na ang mga dahon at sanga ay nasasangga ang liwanag at init ng araw at nasa damuhan ito. Sa di kalayuan sa puno ay makikita ang isang play ground na may naglalarong mga bata. Para kay Emerald iyon na ang kanyang hinahanap. Nilapag niya sa tabi ng puno ang kanyang backpack atsaka siya naupo katabi nito; sinandal ang likod; kinuha niya ang kanyang mp3, isinalampak ang headset sa tenga; at ipinikit ang mga mata.

Sa kabilang panig naman ng puno—sa may likod—may isang lalaki na naka-tuxedo shirt, necktie na itim, patalon na itim at ang sapatos ay nangingintab, ang nakaupo rin sa ilalim ng puno na napili ni Emerald upang pagsilungan at gawing pahingahan. Kung titignan ang lalaki, ito ay may sukat na anim na talampakan; makinis ang balat at ang kulay nito ay di naman kaputian, di rin kaitiman; ang pangangatawan hindi kalakihan at hindi rin kapayatan, sakto lang; ang mga mata ay singkit; ang kilay ay soft angled; ang buhok ay kulay hazelnuts at ang istilo ay spikey.

"Mas masarap dito kesa sa opisina," nakangiti niyang salita at sa ngiti na iyon ay lumabas ang dimple ng binata sa kaliwang pisngi. "Sobrang sarap." Ang kanyang dalawang kamay ay nasa ulo. Ilang minuto ang lumipas tumunog ang kanyang cellphone. " Aist, istorbo?" salita niya ngunit sinagot naman niya. "Nande? (Bakit?)...NANI!? (ANO!?!) Di ba binigay ko na sa iyo yun!!?" pasigaw at may halong galit niyang salita.

Sa sigaw na iyon, nagulat si Emerald dahil mas malakas pa iyon kesa sa pinapakinggan niya. Napamulat ang kanyang mga mata ng wala sa oras at sa pagmulat din na iyon kumirot ang kanyang ulo at mariin siyang napapikit, napahawak din siya dito. Pagkatapos noon ay hinanap niya kung saan galing ang boses na patuloy na sumisigaw. Nang mapagtanto niya na galing lang sa likod niya, kinuha niya ang kanyang backpack, isinabit sa kanyang balikat. Sa halip na maglakad, gumapang na lang siya papunta sa kabilang parte ng puno dahil malapit lang naman ito. Nakita niya ang isang lalaki na may kausap sa cellphone at galit na galit ito.

Our Teenage Boss by IamLycheOnde histórias criam vida. Descubra agora