Chapter 1: "Emerald Eunice"

7.2K 101 6
                                    


Taong dalawang libo labing dalawa, California, USA, alas dose ng hating gabi may isang nakamaskara, may dalang rifle sniper at sa kanyang tenga may bluetooth device. Umaaligid siya sa isang warehouse na kung saan ang mga nasa loob ay grupo ng isang notorious na sindikato.

(Bold = French)


"It's already twelve, oras na para pumosisyon," mahina niyang wika.


Tumakbo siya papunta sa kalapit na bulding na may anim na palapag. Umakyat siya sa rooftop nito. Inihanda niya ang kanyang rifle at tinutok sa wirehouse. Mula sa itaas, gamit ang scope ng rifle nakita niya na maraming palakadlakad na mga tauhan ng grupo na armado ng mataas na kalibre ng baril. Sinabi niya sa kanyang kasamahan ang kanyang nakita.


"Nakaposisyon na ako at mula dito sa pwesto...Hindi bababa sa sampu ang nasa loob."


["Ganun ba? So kaya mo na yan?"]


"Kayang kaya."


["Sige tatawagan ko na si E. Sasabihin ko sa kanya na mag-uumpisa na tayo."]


"Okay," tugon ng may rifle.


Ang kanyang kasama ay nagtatago sa halamanan at doon niya tinawagan ang binanggit niyang pangalan sa naka-rifle.


"E?"


["Oui? (Yes?)"]


"We're on the position."


["Start the hunting game pero huwag mong kakalimutan na may five minutes lang kayo para gawin yan at ang boss nila, alam niyo na ang gagawin sa kanya. Pagkatapos ng mission na yan Pilipinas naman tayo at ang Leighsizzure Group of Companies ang target natin."]


"Copy that E."


Sa isang opisina sa sikat na kumpanya sa America may isang dalaga na nakaupo ng pa-indian sit sa swivel chair. Ang kanyang mukha ay napakaamo na animo'y hindi gagawa ng gulo; ang kanyang buhok ay medyo may pagkakulot, shaggy ang gupit at ang kulay ay dark chocolate brown; ang kutis ay kasing puti ng niyebe; ang mga labing maninipis ay mapupula; ang ilong ay matangos; at ang mga matang may kulay hazel ay naniningkit. Nakasuot siya ng simpleng puting t-shirt, itim na short na lampas sa tuhod ang haba at tsinelas—kasalukuyan na nasa sahig. Sa kanyang lamesa, may iba't ibang uri ng matatamis na pagkain tulad ng cakes, gummies, candies, ice cream, chocolates at cookies sa halip na mga papeles, dokyumento at kompyuter ang nakalagay. Ang t.v naman na naksabit sa pader ay nakabukas. Ang palabas ay Oggy and the Cockroaches.

Sa gitna ng kanyang panonood may isang matandang lalaki na naka-coat and tie; may hawak itong baston na ang pinakahawakan ay gawa sa puting ginto na dinisenyuhan ng isang bungo na ang mata ay gawa naman sa diyamante na kulay pula.


"After four months nagpakita ka rin. Saan ka ba galing?" tanong ng matandang lalaki.

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now