Chapter 10: "Ruined"

563 11 3
                                    

Dahil sa sobrang kasabikan sa amusement park maaga at nauna pang nagising si Eujuan kay Emerald. Naupo siya sa gilid ng kama habang tinititigan ang dalaga.


"Je t'aime, mommy noona," mahina niyang wika habang may matamis na ngiti sa mga labi.


Nang imulat ni Emerald ang mga mata niya, isang magandang ngiti mula kay Eujuan ang bumungad sa kanya kaya napangiti na rin siya.


"Good morning," nakangiting bati ni Eujuan.


Sa halip naman na batiin din ang bata hinawakan niya ito sa bewang atsaka hinila kaya napahiga ang bata sa tabi niya tapos niyakap niya ito.


"Mommy noona, I'm not your pillow."


Lalo naman niyakap ng dalaga ang bata. "My Eujuan, let me hug you for a couple of minutes."


Hinayaan na ni Eujuan si Emerald na yakapin siya dahil gusto rin naman niya ang ginagawa ng dalaga dahil matagal tagal na rin nang mangyari ulit ito. Makalipas ang mahigit dalawang minuto pinakawalan na niya si Eujuan. Bumangon na rin. Pagkatapos nilang makapag-ayos ng sarili lumabas sila ng kwarto. Hinawakan ni Eujuan ang kamay ni Eumerald.


"You don't have to do that," wika ni Emerald.


"I have to."


"Sa tingin mo ba mawawala ako?"


"Ayaw ko lang na malayo ka sa akin, mommy noona."


Napangiti si Emerald. "Nasa bahay lang tayo, my Eujuan."


"Kahit na." Lalong hinawakan ni Eujuan ang kamay ni Emerald.


Pagpasok nila sa dining room, inasar na nila Blaize si Eujuan dahil sa matinding paghawak nito sa kamay ni Emerald na para bang dinikit na ang kamay sa kamay ng dalaga.


"Ay, makahawak lang?" wika ni Blaize.


"Mawawala ba ang mommy noona mo?" tanong ni Luke.


Sa halip na sagutin binilatan lang niya ang dalawa. Naupo siya sa kanan ni Emerald.


"Ano gusto mo?" tanong ni Emerald.


"Hmmm..."Bago sagutin si Emerald tinignan muna ni Eujuan isa-isa ang mga nakahain na pagkain sa lamesa. "Ano yan mommy noona?" Tinuro niya ang isang pagkain na hindi pamilyar sa kanya.


"If I'm not mistaken it's tocino."


Our Teenage Boss by IamLycheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon