Chapter 16: "Mountain of Forever"

1.2K 31 1
                                    


Alas kuwatro pa lang ng madaling araw bumiyahe na ang dalawa patungo sa probinsya ng Assez. Mahigit limang oras ang biyahe nila kaya si Emerald kinuha ang oras para matulog; si Flint naman para hindi antukin nagpatugtog siya.


Nang nasa hotel na sila ng probisya, ginising na niya si Emerald. "Fiancey ko, nandito na tayo...Fiancey ko." Kinakalabit niya ang ilong ni Emerald.


Sa pagmulat ng mata ni Emerald, tinignan niya ang paligid.


"Sa hotel room ka na lang matulog." Tinanggal ni Flint ang seatbelt ni Emerald.


"Baboman, ito na ba yung Assez?" tanong ni Emerald habang kinukusot ang mata.


"Yes fiancey ko at mamaya mula sa suite mo makikita mo yung bundok na aakyatin natin."


Dalawang kwarto ang pinareserve ni Flint at ang dalawang iyon ay magkatabi lang.


"Ano pangalan?"


"Sabi nila Mountain of Forever."


Hindi naniwala si Emerald. "Imbento ka," wika niya sabay labas ng sasakyan.


Agad naman sinundan ni Flint si Emerald. "Fiancey ko, totoo na yun ang pangalan ng bundok."


Tumigil si Emerald sa paglalakad. "Paano nangyari?"


"Sabi kasi sa akin kaya Mountain of Forever halos lahat ng umaakyat na magkasintahan doon nagkakatuluyan daw hanggang sa huli."


"Daw? So ibigsabihin hindi pa sure kung totoo."


"Huwag mo nang kontrahin. Wala naman mawawala kung maniwala tayo di ba?"


"May mawawala."


"Ano?"


"Ang energy ko."


"Hindi mawawala energy mo," kontra ni Flint.


"Bakit? Dadalhin mo sasakyan mo?"


"Hindi...Ipapasan kasi kita."


Nang nasa suite na sila, sinabi ni Flint kay Emerald na ihanda na lahat ng mga dadalhin sa pag-akyat ng bundok at kakatok na lang siya kapag aalis na. Inayos ni Emerald ang kanyang mga dadalhin tulad ng tubig, matatamis na pagkain at tinapay; si Flint naman ang hinanda ay ang kanilang kakainin para sa pananghalian at isang jag ng tubig na malamig. Nagbaon din siya ng tent para kung sakali na abutan sila doon ng dilim doon na lang sila magpapalipas ng gabi. Pagkalipas ng ilang minuto kinatok na ni Flint ang kwarto ni Emerald. Niyaya na niya itong umalis. Umaakyat na ang dalawa sa bundok. Ang bundok na iyon ay malapit lang sa hotel na tinutuluyan ng dalawa at pwede lang itong lakarin.

Our Teenage Boss by IamLycheحيث تعيش القصص. اكتشف الآن