Chapter 23: "Under the Catastrophe"

1.2K 21 3
                                    


Alas otso kinse ng gabi, nagkakagulo na ang mga tao sa loob ng hotel dahil sa ginawang pag-atake ng Nimrod Gang. Ang mga gamit nila ay tubo, baseball bat at baril. Naka-maskara sila ng balaclava at ang kanilang kasuotan ay iba-iba—may mga naka-t-shirt at ang iba naman ay naka-jacket. Ang kanilang bilang ay hindi bababa sa tatlongpu. Sa paligid naman ng hotel ay may nakapalibot nang mga pulis. May ilang mga empleyado at guest na takot at tumatakbong lumalabas ng hotel. May iba naman na nasa loob ng kanilang naka-lock na suite. Ang mga nanggugulo naman, patuloy na nagbabasag ng mga salamin; nagkakalat at nagsusulat sa pader ng hotel gamit ang aerosol sprays; at nananakot ng mga empleyado at mga guest.

Ang plano ni Emerald na patayin ang power supply ay nasunod. Ilan bahagi lang ng hotel ang may ilaw tulad ng parking lot na pagpaparadahan ng kanyang kotse. Ang mga cctv, naman sa buong hotel ay nakabukas maliban sa parking lot at sa elevator na gagamitin niya papuntang headquarters.

Bago umalis ng residence si Emerald mag-isa, tinanong muna siya ni Maria kung ayos lang siya na bumiyahe ng mag-isa. Alam naman kasi ng lahat na di ito bumabyahe mag-isa lalo na kapag gabi. Sinigurado naman ng dalaga na kaya niya at habang nasa biyahe ay patutugtugin daw niya ang Cuppy Cake Song na kinanta ng kanyang fiancé noong mga panahon na inatake siya ng kanyang phobia.

Nasa parking lot na ng Imperial Hotel si Emerald. Hindi pa man din bumababa o nabubuksan ang pintuan ng kotse may tumutok nang baril sa kanya.


"Bumaba ka diyan!" wika ng lalaking nakamaskara. Nakatutok ang kanyang pistol nito sa bintana ng kotse ni Emerald.


Tumingin si Emerald sa rear-view mirror. Sa di kalayuan sa kanyang kotse nakita niya ang isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket, itim na helmet, nakagloves na itim, may holster sa bewang na ang nakalagay ay tatlong smoke grenade, dalawang pistol sa magkabilang bahagi ng bewang at isang maliit na kutsilyo. Sa likod naman nito ay may mga arrows habang ang kaliwang kamay ay may hawak na itim na bow. Ningitian ni Emerald ang lalaki atsaka tumango siya ng isang beses. Sa pagtango na iyon, ang nagtutok sa kanya ng baril mula sa labas ay may tama na ng arrow sa ulo.

Kinuha ni Emerald ang kanyang backpack na nasa passenger seat tapos sinabit niya ito sa kanyang likod. Sa kabilang pinto siya lumabas sapagkat ang bangkay ng lalaki na pinana sa ulo ay nakaharang sa dapat na lalabasan niya. Sinabayan siya ng lalaking may bow and arrow sa paglalakad hanggang sa elevator.

(Bold = French)


"E, nagkakagulo na sa loob ng Imperial Hotel," wika ng lalaki sabay pana sa kanyang kaliwa sapagkat may isang miyembro ng Nimrod Gang. Natamaan niya ito sa dibdib. "Pero ang magkapatid wala pa rin malay sa mga nangyayari sa Imperial Hotel."


"Ang mga iyon, sinakto talaga sa kamatayan ng mga magulang ko." Pumasok si Emerald sa nagbukas ng elevator. "Ikaw na ang bahala sa kanila and make sure na makukuha mo si Charles ng ligtas. And remember, you only have thirty minutes to accomplish the mission."


Yumuko ang lalaki. "Copy that E." Binuksan ng lalaki ang kanyang maliit na camera na nakalagay sa kanyang helmet at ang kanyang earpiece.


Nakarating na si Emerald sa CHO headquarters at sa kanyang pagpasok si Jamie ang unang nakakita sa kanya.


"Uy! Nandyan na si E!" masayang wika ni Jamie.


Our Teenage Boss by IamLycheDove le storie prendono vita. Scoprilo ora