Chapter 24: "Vacation"

487 13 3
                                    

Nasa isang warehouse si Punisher at Tres. Ito ay pagmamay-ari ng isang matinik na sindikato sa Pilipinas na kaalyado ng Nimrod Gang. Naririto sila sapagkat makikipagkita sila sa lider nito upang pag-usapan ang transaksyon nito sa Africa. Iyon ay ang pagpasok ng mga iligal na armas. Habang naghihintay sa pagdating ng leader ng sindikato, nag-usap muna ang dalawa tungkol sa susunod nilang hakbang laban kay Emerald at E.


"Kapag pumalpak ang huling alas natin para makuha ang codes, ipapapatay ko na si Eunice para makuha na natin ang yaman ng Leighsizzure at magamit para muling palakasin ang Nimrod Gang," wika ni Tres.


"Sigurado ka ba d'yan? Di ba mas maganda kung pati yaman ng Eun makuha natin? Mas lalo tayong magiging makapangyarihan. Mahahawakan natin ang lahat," saad ni Punisher.


"Hindi man kasing laki o dami ng yaman ng Eun family ang yaman ng Leighsizzure, malaking bagay na rin iyon sa grupo. Gusto ko na rin itong tapusin kaya sigurado na ako. Kapag pumalpak ang huling alas. Ipapapatay na natin si Eunice Leighsizzure. Uulitin natin ang nangyari noon sa pamilya niya. Sa pagitan ng Eun at Leighsizzure family."


Pumatak na ang araw kung kailan aalis si Emerald at Flint para magbakasyon pero bago pa man ito ay nagpalipas muna si Flint ng mga apat na araw dahil hindi pa ganon kaayos si Emerald. Nitong mga lumipas na araw, hindi pa rin ito lumalabas ng kwarto; nakakausap na ang dalaga ngunit tanging si Flint nga lang. Kapag iba na ang kumausap, hindi na ito sumasagot; kapag kakain, tanging si Flint lang din ang may kakayahan na pakainin ito maging ang pagpapainom ng gamot. Dahil sa sitwasyon na ito ng dalaga, naisip ng binata na magpalipas muna ng ilan araw dahil baka hindi ma-enjoy ng dalaga ang bakasyon. Kahapon, napansin ni Flint na medyo maayos na ang dalaga dahil kahit papaano nagrerespond na ito sa mga kumakausap sa kanya kaya sinabi niya dito na kinabukasan aalis na sila para magbakasyon sa probinsya.

Alas kuwatro ng umaga gising na si Emerald. Nakaupo siya sa couch—sa living room ng kanyang kwarto—upang doon hintayin ang binata. Nakasuot siya ng slouchy beanie hat na kulay itim. Naka-plain white t-shirt, itim na skinny jeans at puting sneakers. Si Maria naman, chicheck ang mga gamit na dadalin ng dalaga sa loob ng dalawang linggo. Tinitignan niya kung may kulang pa. Nang matiyak na wala na, sinara niya ang maleta. Nilapitan niya si Emerald.


"Milady, may gusto ka pa bang dalin?"


Umiling si Emerald.


"Ibababa na namin ang mga gamit mo."


Tumango ang dalaga. Binitbit ni Jonathan ang maleta habang si Maria naman dinala ang backpack ng dalaga. Sa kanilang pagbaba sakto na dumating si Flint. Binati ni Maria at Jonathan si Flint ng isang magandang umaga at binati rin sila nito. Nakita ni Flint ang bitbit ni Maria. Kinukuha niya ito kay Maria ngunit ayaw naman ibigay sa kanya.


"Miss Maria, ako na ang maglalagay n'yan sa kotse," wika ni Flint.


"Hindi na young master. Ako na. Puntahan mo na lang siya sa taas."


"Sige na, young master Eijiro. Kami na ang bahala dito," saad ni Jonathan.


"Arigato. Paki lagay na lang sa may compartment."


Our Teenage Boss by IamLycheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon