Chapter 22: "Breakdown"

574 7 1
                                    


Lumabas ng kotse si Nirvan kasama si Rousse. Kinausap niya ang isang SPO 4. Sinabi niya dito na may bomba sa mart. Kailangan nilang mailabas ang lahat nang nasa loob ng tahimik at taliwasay upang maiwasan ang stampede. Dapat din na paalisin na ang mga sniper na nasa taas nito.


"SPO, wala tayong evacuation plan at hindi tayo handa dito pero kahit na ganon kailangan na lumabas ang lahat ng nasa loob ng ligtas. Okay? At ang mga sniper paalis na rin doon."


Tumango ang SPO 4. "Opo, sir."


"Hindi dapat malaman ng mga nasa loob kung anong meron sa mart. Kapag kasi nalaman nila ang tungkol sa bomba pagmumulan iyon ng kaguluhan. Mag-uunahan silang lumabas so magbubunga iyon ng stampede. Mas lalong maraming masasaktan at ang masaklap baka may mamatay na iniiwasan natin na mangyari dahil ayaw ni E na may casualty. Gusto niya na ligtas ang lahat," wika ni Nirvan. "Sige na. Wala na tayong oras."


Sumaludo ang SPO 4 na kausap ni Nirvan. "Masusunod po, chief."


"Tandaan mo may twenty six minutes na lang tayo para i-evacuate ang lahat."


Tinignan ng SPO ang kanyang relo. "Opo." Umalis siya. Kinausap niya ang mga kasamahan niyang pulis na nasa area. Sinabi niya ang sinabi sa kanya ni Nirvan. Nagsama siya ng sampung pulis na tutulong upang umalalay sa mga taong lalabas ng mart. Sinabi rin niya kung ilan minuto na lang ang meron sila para mailabas ang lahat ng tao sa loob. Kinontak na rin niya ang isa sa mga sniper para sabihin na umalis na sa lugar dahil may bomba.

Tinignan ni Stephen ang kanyang wrist display. Makikita sa screen ang oras na binigay ni Tres sa CHO. Meron na lamang itong dalawampu't apat na minuto bago sumabog ang dalawang gusali.


"Eshera."


["I know. Wala na tayong oras pero wala pa rin order from E kung anong gagawin natin."]


"Ano kayang binabalak niya?"


Nakaupo si Emerald sa kanyang swivel chair habang nakataas ang paa sa lamesa. Yakap ng isang kamay niya ang isang jar na ang laman ay iba't-ibang klase ng matatamis na pagkain. Habang kumakain, nakatingin siya sa monitor kung saan naroroon ang timer. Sinasabayan niya ang bilang.


"Twenty four minutes and thirty seconds. Twenty nine. Twenty eight. Twenty seven. Twenty six. Twen—"


Natigil ang pagbibilang niya nang tawagin siya ni Hale. Sinabi nito na nasa linya si Stephen at Daniella.


"E, si Senka at Eshera," wika ni Hale.


"Yes?"


["We're running out of time, E," saad ni Stephen.]


"I know."


["Then what is your order?"]


"Nothing."


["E, yung sleeping bomb. Subukan natin iyon," wika ni Daniella.]

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now