Chapter 12: "Sick"

561 10 0
                                    

Ginigising ni Maria si Emerald dahil papasok pa ito sa opisina pero nagtalukbong ang dalaga ng kumot. Sinabi ni Emerald sa kanya na hindi siya papasok at ayaw niyang kumain ng agahan. Ang tanging gusto lang niyang gawin ay matulog. Napailing si Maria dahil hindi pa rin nagbabago ang kanyang milady. Tamad pa rin itong pumasok ng opisina. Hinayaan na lang niya itong matulog at hindi na pinilit pa.

Sa LGC naman tawag ng tawag si Flint kay Emeraald dahil anong oras na wala pa ito sa opisina pero hindi naman sinasagot ang kanyang tawag kaya nag-alala na siya. Si Maria na ang tinawagan niya para siguradong masasagot.

"Good morning, Ms. Maria. Si Emerald?"


["Young master, natutulog pa."]


Napatingin si Flint sa kanyang relo. "Eight na ah...Papasok ba siya?"


["Sabi niya hindi siya papasok."]


Napabuntong hininga si Flint. "Tulad pa rin siya ng dati. Papasok ng isang beses tapos aabsent kinabukasan."


[Napangiti naman si Maria. "I think young master hindi na siya magbabago."]


"Mukhang tama ka. Sige, Miss Maria. Maraming salamat." Binaba niya ang tawag. Sinandal niya ang kanyang likod sa sandalan tapos inikot ang kanyang swivel chair paharap sa bintana. "Hay, ano ba yan? Excited pa naman akong pumasok dahil sa kanya tapos hindi naman pala siya papasok. Hindi rin niya sinabi sa akin na hindi siya papasok ngayon eh di sana hindi ako na-excite." Naisip rin niya na baka bukod sa tinatamad itong pumasok gusto ng dalaga na makabawi kay Eujuan kaya pinalampas na lang niya ito at magkikita naman silang dalawa mamayang hapon.


Magtatanghalian na nang magising si Emerlad pero hindi pa rin siya bumabangon dahil tila ang bigat ng ulo niya. Kumuha siya ng unan tapos pinangtakip niya sa kanyang ulo. Naramdaman din niya na nilalamig siya. Panglalamig na kung saan nangangatog ang kanyang katawan kaya nagtalukbong siya ng kumot atsaka binaluktot ang katawan. Kahit na balot na balot na ng kumot nangangatog pa rin siya sa lamig.


"Maria," mahina niyang tawag dito habang nakapikit ang mga mata.


Sa kusina naman inutusan ni Maria si Eujuan na gisingin na si Emerald dahil ilan minuto na lang kakain na sila ng tanghalian. Sumunod naman ang bata. Tumakbo ito paakyat habang may pagkasabik.


Naupo si Eujuan sa gilid ng kama. "Mommy noona," tawag niya dito.


"Ohhh..." inaantok na tugon ni Emerald.


"Sabi ni auntie Maria gumising ka na kasi malapit na tayong mag-lunch."


"Ayoko."


"Mommy noona, hindi ka na naman kakain? May problema ka ba?"

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now