Chapter 4

220 3 0
                                    

Limang araw na ang nakakalipas nang malutas ni Yurie ang kaso ng pagpatay. Hinuli na rin ng mga awtoridad ang suspect. Tulad ng sinabi niya, nakuha nila ang ebidensya sa mismong bahay nito—basement. IpapaDNA ito upang mas lalong tumibay ang ebidensya laban dito. Umamin na rin ang suspect sa ginawa niyang krimen. Ayon sa kanya, ginawa niya ang pagpatay dahil ilan gabi niyang napapanaginipan ang mga kaibigan na humihingi ng tulong na makumpleto ang nawawalang parte ng katawan ng mga ito. Kaya ang ginawa niya upang matahimik, ginamit niya ang mukha ng mga ito sa pagkolekta ng parte ng katawan. Gusto rin niyang ipadama sa mga ito na kahit na anong mangyari, sa kahit na anong sitwasyon handa siyang tumulong at samahan sila. Kaya ang pinapalabas niya, sa isang mukha, dalawang tao ang gumagawa ng bawat krimen. Siya at ang mga kaibigan niya.

Abot-abot ang pasasalamat ng pamilya ng mga nasawi kay E dahil sa tagal ng panahon, sa wakas nabigyan na ng hustisya ang mga biktima.

Hanggang ngayon din ay iniisip niya kung ano ang malaking problemang kinakaharap ng ILETA at bakit ayaw sabihin sa kanya. Ano rin ang sinasabi ni Director Hopper na ayaw niyang madamay ang Equilibrium, CHO at silang dalawa ni Emerald?

Sa kagustuhan ni Yurie na makapag-isip ng husto at hindi naman siya gaano busy, lumabas siya ng kanyang opisina. Binilin niya sa kanyang assistant na huwag tumanggap ng bisita dahil baka matagalan siya ng balik. Tinanong niya rin ang mga empleyado niya kung may ipapabiling pagkain. Napatingin ang mga ito sa assistant ng dalaga. Gusto man ng iba magpabili, nahihiya naman sila dahil presidente ng kumpanya ang bibili para sa kanila.

Dahil sa magaling magbasa ng tao si Yurie, inutos na lang niya sa kanyang assistant na ilista ang mga ipapabili ng mga ito. Sumunod naman ang kanyang assistant. Kumuha siya ng papel at ballpen sa table nito. Nilapitan niya ang bawat cubicle ng empleyado ng office of the president. Ang total na hawak na empleyado ni Yurie ay pito kabilang ang kanyang assistant. May anim na cubicle na nahahati sa dalawa-tatlo sa isang row. Ang kanyang assistant naman nakapwesto malapit sa pintuan ng opisina ni Yurie.

"Okay lang ba talaga?"

Tumango ng may ngiti ang assistant ni Yurie.

"Nakakahiya naman."

Binigay niya ang papel at ballpen. "Ilista niyo na mga ipapabili niyo."

"Huwag na lang kaya?"

"Kung wala akong mailista dito, pare-pareho tayong mapapagalitan. Kilala niyo rin naman siya di ba? Magaling magbasa ng tao yan. Alam niya na nahihiya lang kayo. Atsaka sobrang bihira lang mangyari ito."

"Sige na nga."

Nang mailista na ang mga ipapabili ng mga empleyado, binigay niya ang listahan at pera kay Yurie. Hindi tinanggap ni Yurie ang pera. Pinabalik niya ito sa kanyang assistant. Siya na ang bahalang magbayad ng mga ipapabili ng mga ito. Inabisuhan niya ang mga ito na baka matagalan ang balik niya. Ayos lang naman sa mga ito. Handa silang maghintay.

Sa paglalakad ni Yurie sa may hallway, nasalubong niya si Blaize. Kinuha niya ang listahan sa kanyang bulsa. Mahina niya itong hinampas sa dibdib ng binata. "Samahan mo ako."

Kinuha ni Blaize papel. "Ano ito?" Binasa niya ang nakasulat. "Kailan ka pa naging matakaw tulad ng kapatid mo?"

"Hindi sa akin yan. Sa mga empleyado ko."

"Presidente ng kumpanya nauutusan ng mga empleyado niya?"

"Ako may gusto. At ano naman masama? Pare-pareho tayong tao dito. Ang—"

"Okay, okay." Pagpuputol si Blaize dahil hahaba pa ang usapan at mauuwi sa sermon. "Wala na akong sasabihin."

"Buti naman." Naglakad si Yurie sa direksyon kung saan nandoon ang main entrance at exit ng building.

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now