Chapter 17: "Fear"

1.2K 26 1
                                    


Mula sa opisina ni Flint, bumalik si Emerald sa kanyang opisina. Naabutan niya doon si Maria na nakatayo sa labas. Sa pagpasok niya ang kanyang lolo ang nakita niya na nakaupo sa kanyang office chair. Napahinga siya ng malalim sapagkat hinahanda na niya ang kanyang sarili sa maaaring patunguhan ng kanilang usapan.

(Bold = French)


"My successor, nais ko nga pa lang ibalita sa iyo na naayos ko na ang last will and testament ko," saad ni Lourd Derek.


"Sinabi ko na sa iyo sa America palang na bawiin mo iyon at kung di mo yun gagawin, ako mismo ang hahanap ng paraan para mapawalang bisa ang mga nakasulat doon."


"Alam mo nagtataka ako sa iyo. Ang iba naghahabol samantalang ikaw? Ayaw mo. Bakit Eunice? Ano ang dahilan mo bakit ayaw mong tanggapin ang mga binibigay ko sa iyo?"


"Simple lang dahil ayaw kong tumanggap ng kahit na ano sa iyo. Dahil ayaw kong magkaroon ng debt of gratitude at isumbat mo sa akin kung anong meron ako ngayon. Old Creature, I know your game and you will never fool me."


Pumalakpak si Lourd Dereck at naglakad sa likod ng apo. Si Emerald naman sinusundan ng masamang tingin ang lolo.


"Bravo!" wika niya habang pumapalakpak. "Ang galing mo manang mana ka talaga sa daddy mo. Hindi kayo nagkakalayo."


"I will drag you onto hell."


Tumigil si Lourd Dereck sa likod ni Emerald. "Nagkakamali ka my successor, ako ang hihila sa iyo sa impyerno. Alam ko na on the first place, kaaway na ang turing mo sa akin dahil sa nangyari noon. Kaya pinaghandaan ko na yan at pinagplanuhan ng maiigi. Once na buksan mo ang will, iyon ang magsisilbing cue at kung di mo naman bubuksan malaki ang magiging kapalit. Apo, ang tawag ko doon ay life and death."


Tumiklop ang kamao ni Emerald. "Cue at malaki ang kapalit? Damn, ginagawa niyang shield ang papel na iyon," saad niya sa kanyang isip.


Naglakad si Lourd Derek ngunit ng malapit na sapintuan tumigil siya. "Oo nga pala, may nakakalimutan ka. Nakalimutan mo na may tinanggap ka mula sa akin."


Napatingin si Emerald sa kanyang lolo. "Crazy old creature, wala akong natatandaan na may tinanggap ako mula sa iyo."


Ngumiti si Lourd Derek sa apo. "Hindi mo talaga matandaan? Pwes, ipapaalala ko sa iyo." Sumeryoso ang kanyang mukha. "Si Flint, hindi ba galing siya sa akin? At kung di dahil sa ginawa kong kasunduan sa pamilya niya wala kayo ngayon sa relasyon na yan."


Sumama ang tingin ni Emerald sa kanyang lolo. "Kailan man hindi nanggaling si Flint sa iyo. Huwag mo rin sabihin na ibinigay mo siya sa akin dahil hindi siya bagay o hayop."


Natawa si Lourd Derek. "Matalino ka nga...Grabe, wala na talaga akong masabi sa iyo at kahit kailan hindi ako manalo sa iyo. Pero ito lang, ang bigay ay maaaring bawiin." Lumabas si Lourd Derek ng opisina habang tumatawa.


Sa kabila ng mga matatapang at maaanghang na salitang binitawan, sobrang naapektuhan si Emerald sa sinabi ni Lourd Derek sa kanya na ibinigay sa kanya si Flint. Naupo siya sa couch. Pinapakalma niya ang kanyang sarili. Kinukumbinsi niya ang kanyang sarili na walang binagay sa kanya si Lourd Derek. Pinapaniwala rin niya ang kanyang sarili na meant to be sila ni Flint. "Meant to be kayo ng baboman mo. Meant to be kayo kaya magkasama kayo ngayon at masaya. Hindi iyon dahil o galing kay old creature. Wala siyang binibigay sa iyo higit sa lahat wala siyang babawiin. Wala."

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now