Chapter 23: "One Person"

802 12 0
                                    

Nasa hapagkainan sila upang kumain ng agahan. Ang tingin ni Maria sa magkapatid ay nagsasalit-salit. Pinakikiramdaman niya ang dalawa kung bati na ang mga ito. Bumebwelo pa lang siya sa pagbukas ng bibig nang magsalita si Alexandrite.

  (Bold = French) 

 

"Bakit maliit lang manok ko kay Unnie malaki?" reklamo ni Alexandrite.


"Palit na lang tayo," saad ni Emerald.


"Okay," nakangiting saad ni Alexandrite. Inabot niya ang kanyang plato kay Emerald at binigay naman nito ang kanyang plato sa kapatid—nagpalit sila. "Merci."


"You're welcome."


"Ang sweet naman," saad ni Blaize. "Iluluwa para ibigay."


Napatigil si Emerald sa paghihiwa niya ng laman ng hita. "Quoi (What)? Yucky ka naman."


"Kaya nga," pagsang-ayon ni Alexandrite. "Kumakain pa naman tayo."


Natawa si Maria, Near at Jamie.


"Mali ka naman kasi Blaize," wika ni Maria.


"Mali?"


Tumango si Maria. "Dapat isusubo na lang ibibigay pa."


"Ay oo nga po pala." Bahagyang natawa si Blaize. "Nakalimutan ko. Isusubo po pala hindi iluluwa."


"Last mo na yan," saad ni Alexandrite. "Auntie, ano po ba ibigsabihin n'yan?"


"Yung nasa iyo na nga pero dahil sa pagmamahal at pagpapahalaga mo sa isang tao ibibigay mo na lang sa kanya," paliwanag ni Maria.


"Sacrifice," saad ni Near.


"Tama si young master."


"Ahhhh" tumatangong saad ni Alexandrite. "Blaize, saan mo naman natutunan yan?"


"Kay Auddrie," nahihiyang saad ni Blaize at nakahawak siya sa kanyang batok.


"Kung pwede lang lumayo-layo ka kay palengkera kung ano-ano natututunan mo," wika ni Emerald.


Napayuko si Blaize at pinagpatuloy ang kanyang kinakain. Muli naman natawa si Maria at Near maging si Jamie.


"Ikaw rin Alexandrite lumayo ka."


Umiling si Alexandrite. "Ayoko nga."


Napangiti si Maria dahil maayos na ulit ang kambal. "Buti naman at nagpapansinan na kayo."


"Kagabi pa po, auntie," salita ni Alexandrite.


Our Teenage Boss by IamLycheUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum