Chapter 17: "The Visit"

870 13 0
                                    

Maagang nagising si Emerald upang ipaghanda ng agahan si Flint. Nais niyang sorpresahin ang binata dahil ramdam niya kagabi na nais talaga nito na dumalaw siya sa LGC. Nagpatulong siya kay Maria magluto ng kakainin nilang dalawa.


"Tulog pa si Alexandrite?" tanong ni Emerald kay Maria. Naghihiwa siya ng manok na gagawing chicken fillet.


"Yes, milady."


"Nakakahiya naman sa kanya." Nilapag ni Emerald ang hawak niyang kutsilyo. "Gigisingin ko siya."


Pinuntahan ni Emerald ang kapatid sa kwarto nito upang bulabugin. Bago gisingin, pinagmasdan niya muna ang kanyang kapatid na mahimbing na natutulog. Napabuntong hininga siya.


"Identical nga talaga kami at ang hirap tanggapin."


Tinanggal ni Emerald ang kumot ni Alexandite tapos walang alinlangan na tinulak ang kapatid kaya nahulog sa sahig. Pagmulat ni Alexandrite ng kanyang mga mata na papikit-pikit pa, nakita niya si Emerald nakatayo sa harapan niya. Magka-krus ang bisig habang walang emosyon na nakatingin sa kanya.

(Bold = French)


"Hanggang sa panaginip ba naman? Seriously, C.N unnie?" Akala ni Alexandrite panaginip lang ang lahat kaya muli siyang nahiga ngunit hindi sa kama kung di sa sahig-akala niya kasi nasa kama pa rin siya. Pinagpatuloy niya ang kanyang tulog.


"Anong panaginip? Gumising ka na d'yan." Kinakalabit ni Emerald ang binti ni Alexandrite sa pamamagitan ng kanyang paa. "4:30 na."


"Mamaya na," inaantok na tugon ni Alexandrite.


"Okay. Ipapa-freeze ko credit cards and atm mo ng three months," pananakot ni Emerald kay Alexandrite.


Agad na bumangon si Alexandrite. "Joke lang," nakangiti niyang saad. "Maliligo na ako then bababa para kumain."


Nang makapagluto at nakaayos na ang lahat, kahit na maaga pa, umalis na si Emerald kasama si Maria patungong LGC. Inunahan na rin niya si Flint sa opisina nito upang isorpresa. Hindi naman siya nabigo dahil pagkabukas ni Flint ng pintuan ng opisina, napangiti agad ang binata at ang dimple nito ay lumalim. Gumanda rin ang kanyang mood.


"Babo, I made breakfast for us." Nilapag ni Emerald ang kanyang bitbit na paper bag sa ibabaw ng center table. Naupo siya sa couch.


Lumapit naman sa kanya si Flint. "Akala ko ba ayaw mong pumunta?"


"I changed my mind." Nilabas ni Emerald ang mga pagkain. Hinain niya ito. "And I realized na ako naman dapat ang umeffort sa ating dalawa. Dapat na ibalanse ko ang relationship and responsibilities natin sa isa't-isa."


Hinalikan ni Flint sa noo si Emerald dahil sa tuwa at upang pasalamatan na rin ang dalaga.


"Kain na tayo," yaya ni Emerald.


Habang kumakain, nabanggit ni Flint kay Emerald na dumating ang kanyang ina kaninang madaling araw. Nais nito na makita at makilala ang dalaga kaya niyaya niya ito sa kanilang tahanan mamayang tanghalian upang doon kumain kasabay ng kanyang ina. Hindi naman tumanggi ang dalaga. 

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now