Chapter 33: "Questions"

918 18 1
                                    

Kinabukasan, sa mga magkakaibigan naunang nagising si Mhello at Near. Habang may hawak na isang tasa ng kape, naglakad sila palabas ng bahay tapos naupo sila sa isang upuan na gawa sa kawayan. Dahil sa maaga pa at wala pang masyadong ingay, tanging hampas ng alon sa may dalampasigan, huni ng mga ibon at pagaspas ng mga puno ang tanging nag-iingay, rinig na rinig nila na may nagtatawanan. Hinanap nila iyon. Nakita nila na masayang hinahampas ni Emerald si Charles sa braso habang ang binata ay tumatawa. Hindi nila nilapitan ang dalawa sa halip ay inobserbahan nila ang mga ito. Nakikita nila ang kakaibang ngiti, tinginan at kulitan ng dalawa. Ilang minuto ang lumipas, bumalik sila sa kanilang pwesto para mag-usap.


Humigop ng kape si Mhello. "Near, ano ang napansin mong kakaiba simula nang dumating siya hanggang ngayon?"


"Yung way niya ng pagsasalita ng english. French accent pero  minsan nahahaluan ng british accent."


"Tama ka doon sa french and british accent. Noong una kong encounter sa kanya akala ko nagkamali lang ako ng dinig kaya hindi ko na pinansin. Alam natin na kahit na mother tongue niya ang french, ever since, kapag nag-eenglish siya american accent siya. Sa tingin mo, nakaapekto kaya yung brain surgery niya or brain tumor niya kaya nagkaroon siya ng foreign accent syndrome?"


Nagkibit balikat si Near. "At isa pa, tinginan nila ni Charles. Minsan makikita mo kahit na wala silang sinasabi sa isa't-isa, kahit na hindi nag-uusap makikita mo na lang nakangiti na silang dalawa. Tulad kanina, kakaiba ang kilos at galaw nila. Kulitan nila iba ang dating sa akin. Iyon bang parang walang amnesia si baby princess. Parang napakakomportable niya kay Charles samatalang sa atin hindi siya makatagal. Hindi rin nakikisali sa usapan natin. Pakiramdam ko nga rin na iwas siya sa atin at kinikilala pa rin tayo."


"Nalilito ako sa kinikilos niya. Lito na hindi mo malaman kung yung kinikilos niya ay epekto ba ng surgery niya, dahil sa may amnesia siya, nagpapanggap lang kaso hindi naman niya iyon gagawin at ano dahilan niya para magpanggap na may amnesia? O kaya ibang tao yung nasa harapan natin kaso naman imposible na ibang tao yan dahil nag-iisa lang si Emerald Eunice at isang anak lang siya ni auntie at uncle." Napakamot ng ulo si Mhello. "Kahit kailan talaga ang hirap niyang basahin."


"Kaya nga ang gawin natin huwag na lang muna natin yan problemahin. Sulitin na lang natin ang araw na ito dahil ilan araw na lang babalik na siya sa France para ipagpatuloy ang therapies niya."


"Oo nga pala noh? Malapit na siyang bumalik sa France. Pwede kaya tayong sumama sa kanya para tayo naman ang mag-aalaga sa kanya?"


"Itanong mo yan sa kanya."


"Mamaya. Oo nga pala, about sa nakita natin kanina, pwede bang sa atin na lang iyon para walang gulo at hindi masira ang bakasyon ni Eunice? Huwag na lang din natin bigyan ng malisya dahil dati naman, noong wala pang amnesia si Eunice, ganyan na rin naman sila at naging open tayo doon."


"Walang problema."


Pagkatapos nilang kumain ng tanghalian, mailigpit lahat ng pinagkainan at makapagpahinga, nagtungo na sila sa dalampasigan para maligo sa dagat. Sa mga lalaki ang nakasuot lang ng sando ay si Near, Flint at Charles. Sa mga babae naman ang naka-two piece ay si Auddrie at Nathalie. Si Sandy ganon dapat ang suot ngunit pinagalitan siya ni Nathaniel at pinagpalit ng one piece. At noong sila pang dalawa, ayaw na ayaw ng binata na nagsusuot ng ganon ang dalaga. Ayaw din nito na nagsusuot ang dalaga ng mga sexy dress. Gayon din ang nangyari kay Jamie, pinagpalit siya ni Near ng suot ng one piece at pinagdoble. Ang pinang doble niya ay chiffon shirt long sundress. Dahil medyo may pagka-conservative si Candace, ang kanyang suot ay one piece swimsuit tapos sa ibaba nilagyan niya ng beach scarf. Huling dumating sa dalampasigan si Emerald. Natulala ang lahat lalo na si Flint nang makita nila ang suot. Nakasuot ang dalaga ng two piece at ang pangdoble niya ay see through sleeveless beach dress na kulay peachpuff, naka-shades at may suot pang sun hat.

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now