"Ceasar Salad for me i am really on a Diet."

"Bilhan mo na lang ng lunch si GM at Team Manager at yung sa akin Fish Chips."

At tinalikuran ko na silang lahat para bumili sa Cafe sa ibaba at sa malalapit na restaurant sa paligid ng kompanya. Takbo dito, Takbo doon ang ginawa ko. Nung unang beses akong tumakbo kung saan-saan nagkaroon ng kalyo yung paa ko since naka-pumps ako noon at sobrang formal ng suot ko. Nagmukha akong tanga dahil sobrang formal ng suot ko tapos takbo lang ako ng takbo, Hirap din akong naglakad noon dahil sa sakit ng paa ko.


Kaya ngayon nag-flat shoes at casual business outfit ako para makatakbo kahit saan. Napagalitan nga ako ni Mommy at sinermunan naman ako ni DJ dahil namaga talaga yung paa ko kinabuksan nung araw na iyon buti na lang at linggo iyon kaya nakapagpahinga pa ako dahil hirap na hirap akong maglakad.

"You're doing errands again?"kunot noong tanong sa akin ni DJ ng makasalubong ko siya sa lobby at tumango naman ako habang nakangiti. Nasa magkabilang kamay ko ang mga plastics ng pagkain habang hawak ko sa coffee holder yung mga order nila.

"Kapag naging presidente talaga ako ipapatanggal ko iyang Special Affair."inis na sabi ni DJ kaya naman sinamaan ko siya ng tingin at napansin naman niya yung tingin ko. Tumikhim siya at tumingin sa paligid dahil ilang empleyado ang napatingin sa amin.

"You take care okay? Bakit pa kasi dito ka nag-intern pwede naman sa kompanya niyo para hindi ka inaalila, Yung magiging asawa ko ginagawang errand girl ng Special Affairs tsk!"reklamo ni DJ at hinalikan ako sa noo ko at sa pisngi ko bago umalis. Naiwan naman akong pulang-pula at hindi nakapalag dahil sa dami kong dala, Loko talaga iyong lalaking iyon!

Umiling na lang ako at tumakbo sa headquarters ng Special Affairs, Sure akong pagchi-chismisan yung mga nakita sa lobby. Si DJ naman kasi kung saan-saan gustong magpakita ng affection niya.

"Ikaw ang Fiancee ng anak ng Chairman?"nakangangang tanong ni Rhian sa akin, Ka-team ko sa Special Affairs. Nakasabay ko siya sa pagpasok sa elevator at nahihiya naman akong tumango. Hindi naman sa kinakahiya ko si DJ pero nakakahiya lang kasi yung titig sa akin ni Rhian iba.

"Oh my gosh! Sorry akin na yung Frappe at Muffins ko."sabi niya at nilayo ko sa kanya yung mga hawak ko dahil baka matapon.

"Wag na okay lang."sabi ko habang nakangiti, Naramdaman ko namang nahiya siya kasi this past few weeks isa rin siya sa madalas mag-utos sa akin.

"Bakit kasi hindi mo sinabi? Ikaw pala yung anak ng mga Bernardo akala ko coincidence lang na magka-apilido kayo."nahihiyang sabi ni Rhian, Nginitian ko na lang siya bago kami lumabas ng elevator papunta sa Headquarters namin.

Dinistribute ko yung mga pagkain nila sa kanila bago ako bumalik sa upuan ko at nag-staple. Napansin ko naman ang bulong-bulungan sa likod ko at may napabuga pa ng kapeng iniinom nila.

"Akin na iyan, Ako na gagawa."sabi ni Bryan na kinuha sa table ko yung mga documents na inii-staple ko. Siya na rin ang nag-shred ng mga papel sa shredder at napanganga ako sa kanila, Si Glenda? Ayun tumakbo sa Office ni GM habang yung Team Manager namin nakatitig lang sa akin at umiling na parang kilala niya kung sino ako pero hinayaan niya lang.

Same Love at House [Completed]Where stories live. Discover now