"Uh.. Welcome back."awkward na sabi ni DJ kay Danna, Si Danna naman mahahalata ang lungkot sa mata niya na hindi naman napansin ni DJ. Napatingin muna silang lahat sa akin except kay Matt na wala namang alam sa paligid.

"Thank you."sabi ni Danna at nagyakapan silang dalawa, Umiwas na ako ng tingin. Of course! Magyayakapan sila, Silang dalawa kasi di ba?

"I miss you."sabi ni DJ at napasinghap ako kasi siya pa talaga ang nagsabi nun eh.

"I-I miss you too, DJ."rinig kong sagot ni Danna sa kanya, Oh my gosh Kathryn! Ano pang ginagawa mo dito? Layas na!

"Kath.."mahinang tawag sa akin ni Zharm at hindi ko iyon pinansin.

"Ano.. Mauna muna ako sa sasakyan."sabi ko at naglakad na ako sa sasakyan ni Albie na nasa bungad lang dahil hindi na kami nag-park sa parking area.

Hindi ko maiwasan masaktan habang nakatingin ako sa tinted na salamin ng sasakya ni Albie sa labas. Yung ngiti ni DJ kay Danna, Yung mga tingin niya alam ko kasi ganoon din siya tumingin sa akin.


Everyone knows they don't take a break, Hindi sila hiwalay. Even Matt knows that too dahil kahit na nakikita kong nasasaktan din siya he trust Danna na masasabi niya kay DJ na they are engage. Can i trust DJ too? Mapagkakatiwalaan ko ba si DJ na tutupad siya sa pangako niya sa akin kung ngayon palang kitang-kita ko na ang lahat?


Rebound.. Iyon ang nangyari sa akin. Of all the girls DJ had, I realize i am one of them.. from the start i am one of them. We are all just a rebound and when the original owner comes? We're all swept away! Ang malas ko! Sobrang malas ko at ako ang isa sa mga babae ni DJ na nataon sa pag-uwi ni Danna.

Although someone already owns Danna's heart, DJ's heart.. I think DJ's heart is still in her. Napaiyak ako sa mga iniisip ko, Tanga ka Kath at nahulog ka sa kanya at Tanga ka kasi tinanggihan mo ang alok ni DJ sa iyo kagabi pero mas tanga ka talaga kasi siya ang minahal mo.


Nang mapansin kong papasok na sila sa sasakyan agad kong pinunasan ang luha ko at inayos ang sarili ko, Sumiksik ako sa dulo at tumingin sa ibang gawi para hindi nila mapansin ang pag-iyak ko.



"My gosh! Ang init dito sa pilipinas."sabi ni Danna ng makasakay sila ng sasakyan at nilagay naman nila Albie sa likod ang mga gamit nila ni Matt.

"Masasanay ka rin."sabi ni Zharm sa bestfriend niya. Mainit sa pilipinas? Eh bakit hindi ka bumalik kung saan ka galing? Akala ko ba masaya na kayo ni Matt doon? Bakit pa siya bumalik dito? Napa-iling ako sa pinag-iisip ko, This is bad.

"Nga pala magkakilala kayong dalawa?"tanong ni DJ kay Matt at Danna, All this time hindi ako napansin ni DJ. So.. am i really a rebound? Cause if i am.. Shit! Hindi ko alam ang gagawin ko.


As in hindi talaga! May tumulong luha sa mata ko habang nakatingin ako sa labas, Pinunasan ko agad iyon at napasinghap ako. Sht! Kath not now!

"Kath ayos ka lang?"gago! Sa tingin mo ayos lang ako? Hindi ko siya pinansin at nilagyan ng earphones ang tenga ko. Hindi ako tanga DJ, Hindi rin ako matalino pero sana naman wag mo akong gaguhin dito.

=======
=======


Huminto kami sa Casa Maria, Isang restaurant dahil nagugutom daw si Danna at Matt. Hindi raw kasi masarap ang pagkain sa eroplano kaya ngayon palang sila kakain mula sa byahe.

Same Love at House [Completed]Where stories live. Discover now