Nag-celebrate kami sa favorite naming restaurant pero lahat kami masaya except lang kay Kath na parang biyernes santo ang mukha.

 

"Congratulations Kath!"sabi ni Mommy kay Kath at nag-fake smile lang si Kath. Hanggang sa matapos ang celebration ganoon pa rin ang itsura niya, I decided to take her to plaza para makapag-usap kami at masabi ko sa kanya ang tungkol sa panliligaw sa akin ni Quen last year.

 

"Nanligaw si Quen sa akin last year."paninimula kong kwento kay cous at napaiyak siya sa sinabi ko, Kinuwento ko sa kanya ang lahat mula sa panliligaw sa akin ni Quen hanggang sa pambusted ko sa kanya dahil sa mga sinabi niya tungkol sa feelings na nararamdaman ni Kath.



"He told me he doesn't care so stop crying! Hindi niya deserve ang mga luha mo Cous, He's not worth it!"sabi ko sa pinsan ko at iyak lang siya ng iyak, Mahahalatang nasaktan talaga siya ni Quen.

 

"Mahal na mahal ko siya cous! Ang hirap isipin na ikaw na pinsan ko na para ko ng kapatid at bestfriend ang nagustuhan ng taong mahal ko. Sobrang hirap, Siya yung first love ko, Yung inspiration ko. Yung mga ginawa kong effort para magpapansin sa kanya balewala lahat kasi una palang wala na siyang pakealam."sabi ni Kath kaya yinakap ko siya ng sobrang higpit.

 

"Stop crying please? You'll get over him. Wala siyang kwenta marami pang darating sa buhay mo kaya wag ka ng umiyak ha?"naiiyak kong sabi sa pinsan ko habang yakap-yakap ko siya.

 

"Darating ang araw na tatawanan mo na lang lahat ng nararamdaman mo sa kanya, They say first love never dies? Saksakin mo siya ng kutsilyo ng magka-alaman."biro ko kay Kath at napatawa naman siya sa sinabi ko.

=======
=======


"Nakakaawa naman si Kath i really really feel the pain."
sabi ni Zharm na nagpupunas ng luha, Medyo OA pero totoo namang masakit sa akin nung nakita kong nasa ganoong kalagayan si Kath.

 

"Nga pala may Diego speaking of buti naalala ko nasaan ka na nakatira? May Fiancee ka na raw? Na saan na Pare? Paano si Julia?"sunod-sunod na sabi ni Albie at wala man lang preno kaya ayun nabatukan ni Diego.

"Aray naman pare! Makabatok parang gusto mo ng pugutin ang ulo ko!"inis na sabi ni Albie kay Diego myloves ko kaya ayun pinukulan ko si Albie ng death glare si Zharm naman punas pa rin ng luha.

"Well.."sabi ko ng mag-text si Kath.

(As seen in Chapter 19)

"Julia sabihin na kaya natin sa kanila Lahat."sabi ni Diego sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Anong ibig sabihin niyong dalawa?"Tanong nila pati sila Kuya Neil at Ate Yen nakisali na si DJ ayun Tahimik may alam ang loko eh!

"Engaged kami ni Diego in this is the whole Story.."

Same Love at House [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon