"Zharm alis lang kami ni EJ, Una na kayo sa Classroom."sabi ni Albie, Nakangiti namang tumango si Zharm kay Albie at naglakad na kami papuntang classrom. Napatigil lang kami ng may tumawag kay Zharm.



"Hey si Daniel?"Sabi ng babae kay Zharm habang tinataasan siya ng kilay. Hindi nagpa-awat si Zharm at tinaasan din niya ng kilay yung babae. Pataasan ba sila ng kilay? Lol.



"Hanapan ba kami nang nawawalang tao?"Sabi ni Zharm sa babae at inirapan ito bago tumalikod pero hinawakan nung babae si Zharm sa braso at alam kong nakalmot si Zharm sa paghawi ng kamay nito sa braso niya.



"Zharm ilugar mo ang sarili mo! BESTFRIEND ka lang ni Daniel ako ang GIRLFRIEND so hanggang FRIENDS lang kayo, Nothing More, Nothing Less. Kaya please lang wag mong landiin ang boyfriend ko."sabi nung babae kay Zharm kaya naman nagtaka ako, Si Zharm nilalandi yung Unggoy? Eh di ba boyfriend ni Zharm si Albie? Hindi ko na kailangan itanong sa kahit sino dahil halata naman sa kilos ng dalawa kapag magkasama sila.



"Excuse me Miss but i am sorry to interupt."Sabi ko pero inirapan lang ako nung babae, Kutusan ko siya sa kinatatayuan niya ngayon eh. Wala akong pake kung boyfriend niya yung unggoy na iyon.



"Ano yun?"inis na sabi sa akin nung babae at nang-irap ulit. Hindi ba sumasakit ang mata niya kaka-irap? Tusukin ko kaya yung mata niya?



"Ikaw yung girlfriend ni Ung- Este Daniel?"tanong ko sa kanya at naninigurado lang dahil natatawa ako sa mga pinag-iisip ko.



"Narinig mo naman yung sinabi ko di ba? O sadyang bingi ka lang?"mataray na sabi niya sa akin.



"Ah narinig ko pero sinisigurado ko lang."sabi ko sa kanya at nginisian ko siya.



"At ikaw sino kang Haliparot ka?"asar na ang tono niya pagka-sabi niya sa akin ng tanong na iyon. Lumapit ako sa kanya at halos malapit ang mukha naming dalawa, Ngumisi pa ako at binigyan ko siya ng cool face.



"Ako lang naman ang kasama ni Daniel sa iisang bubong."iyan ang masarap na sabihin sa kanya para lalo siyang mainis at maasar pero siyempre hindi ko sasabihin 'yan baka masira reputasyon ko saka baka kaladkarin ako nitong babaeng ito mukhang warfreak pa naman ang girlfriend ng unggoy.



"Haliparot? Hindi ako Haliparot. Ako si Kathryn Bernardo."mabilis kong sabi sa kanya at nilayo ko ang mukha ko sabay smirk.



"Anong sabi mo?"sabi niya sa akin at tinaasan pa ko lalo ng kilay, Kulang na lang mapunta sa noo niya ang kilay niya.



"Ang sabi ko hindi ako haliparot, Ako si Kathryn Bernardo, Ikaw ata ang bingi sa ating dalawa eh."sabi ko sa kanya at in-apir naman ako ni Zharm mula sa likod.

"Hey Zharm! Sino ba siya? Saka bakit kilala niya ang boyfriend ko? Oh well sikat nga pala ang boyfriend ko baka naman lalandiin mo siya uunahan na kita wala kang pag-asa."sabi niya at napatawa naman ako sa sinabi niya. Lalandiin? Insecure ba sa akin itong babaeng ito?

"Lalandiin? Sino yung boyfriend mong mukhang unggoy? Psh! Sabi na eh bagay na bagay talaga kayong dalawa sa Animalandia, Siya ang unggoy at ikaw ang salamin kasi masyado kang insecure. Try mo kayang wag awayin si Zharm dahil bestfriend siya ni Daniel kasi nagmumukha kang insecure."sabi ko sa kanya at tinarayan niya ko bago siya nag-walk out.



"Kath ang galing mo."puri sa akin ni Zharm at Kiray, Yinakap naman ako ni Zharm ng mahigpit.



"Haha thank you pero sino ba yun? Hindi ko siya kilala saka sikat yung Unggoy? Seryoso?"sabi ko sa kanilang dalawa, Natawa naman si Kiray sa sinabi ko at si Zharm naman sinabayan akong maglakad dahil si Albie at EJ biglang nawala kanina.



"Ah iyon si Arie Reyes ang Girlfriend ni DJ pero lahat kami ng barkada ayaw sa kanya you know Why?"Sabi ni Zharm at na-curious naman ako bigla.



"Bakit?"tanong ko, Lumapit sa akin ng sobrang lapit si Zharm at Kiray.



"Kasi akala niya dati ako ang girlfriend ni Daniel eh matagal ko ng boyfriend si Albie, Madalas niya kong pagselosan hindi ko alam kung bakit pero ngayong nandito kayong dalawa ni Julia baka isa sa inyo ang pag-initan niya. Lalo ka na Kath baka pag-initan ka niya lalo na't ikaw ang mas malapit kay DJ dito kesa sa akin."explain ni Zharm sa akin, Humagikgik naman si Kiray.

Same Love at House [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon