Chapter 35. Friend

103 13 1
                                    

Chapter 35. Friend

Third Person's pov

NAGMULAT ng mata si Kelos at isang pamilyar at magandang kisame agad ang bumungad sa paningin nya.

Mabilis syang napabangon ngunit sumakit agad ang kanyang ulo na nababalot ng benda. Napangiwi ito sa sakit.

Nasa sariling kwarto sya. Hindi nabago ang damit nya mula no'ng huli syang mawalan ng malay habang kinakalaban si Sander.

"Mabuti at gising ka na." biglang lumawak ang siwang ng pinto sa silid kung saan ay iniluwa rin si Ains papasok, kasama si Kai at Aris.

"Ano na ang nangyari, Ains?" nagtataka talaga si Kelos kung ano ba ang nangyari habang wala syang malay. Hanggang sa mapayuko rin ito at tiningnan ang sariling mga palad at napapikit sa sobrang kahihiyan. "Patawad. Hindi ako karapat-dapat maging headmaster ng akademyang ito. Dapat hinayaan ko na lang si Sander."

"Nasisiraan ka na ba? Kung hinayaan mo sya sa pwesto na 'yon, malamang mas malala ang mangyayari sa mga estudyante!" bulyaw ng prinsipe kaya't hinarangan agad ng braso ni Ains ang dibdib ni Kai.

"Itigil mo 'yan, mahal na prinsipe." malamig ngunit magalang pa ring babala ni Ains dito.

"Napakahina ko. Hindi ko man lang maprotektahan ang mga estudyante ko. Paano ko ba 'to nagawa?" sabay naiiyak nitong sinabunutan ang buhok.

Napabuga ng hangin si Ains. "Ligtas na ang akademya. Sa ngayon. Walang namatay sa mga dinukot at kompleto silang lahat. Maliban sa mga estudyanteng binayaran para sumanib sa grupo ng kalaban. Walang ni isa sa kanila ang natira."

"Gaano karami?" tanong ni Kelos.

"Base sa oberbasyon, halos lahat ng Aries Section ay bangkay na sa loob ng isang underground corridor. Nando'n din mismo ang kuta ng tatlong anino at ang mga naging bihag nila. Noon at kagabi." sagot ni Aris.

Hindi makapaniwala si Kelos sa kanyang narinig. Ang kanyang pinaka-iniingatang akademya ay naging sentro ng labanan na malamang ay hindi agad makakalimutan ng lahat.

At nangyari lamang ito dahil sa kanyang sariling kahinaan kaya't nalugmok sya lalo habang walang mukhang maihaharap sa lahat.

"Sandali. Nasaan na si Sander?" angat ng tinging tanong ulit nito kay Ains.

Lumingon ang binatang guro sa prinsipe. "Niligtas ka ng mahal na prinsipe sa bingit ng iyong kamatayan."

"Pinatay ko sya." sabat ni Kai. Tila walang pag-aalinlangang sagot habang diretsong-diretso ang tingin kay Kelos.

Napailing si Ains habang si Aris naman ay napayuko.

Para sa prinsipe. Hindi kailangan ni Kelos na maging emosyonal pa sa bagay na ito. Gusto nyang sabihin at ipamukha sa punong-guro na ito na hindi mabigat na bagay ang pagkawala ng kaibigan ni Kelos dahil sa simula pa lang, tinraydor na sya nito.

Mahalin mo ang iyong kalaban, ngunit wag mong hayaang matalo ka lang sa kanila.

"Sandali," biglang nagsalita si Kelos. Nagpakalinga-linga sa tabi nina Ains na parang mayroon itong hinahanap. "Nasaan na 'yong isang binatang kasama nyo?"

--

Madilim ang silid.

Tahimik.

Maamoy ngunit hindi gaano.

Tanging isang pulgadang kandila na lang ang nakasindi sa isang maliit na mesa sa gitna ng silid na 'yon. Sa hina ng ilaw, hindi na masyadong maaninag ang mukha ni Oscar habang nakaupo ito sa isang bangkong kahoy.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu