Chapter 69. MOoNoViEn Has FaLLen

67 11 2
                                    

Chapter 69. MOoNoViEn Has FaLLen

Third Person's pov

SA LOOB ng silid aklatan.

Naroon sa isang mesa nakapwesto si Kai. Tahimik itong nagbabasa ng libro roon. Mula naman sa labasan, nakasilip nang pasimple ang iilang kababaihan habang pinagmamasdan ang prinsipeng ito.

Magaganda sila. Presentable ang mga makukulay na kasuotan. Pinag-uusapan nila ang binata tapos ay maghahagikhikan sa kilig ngunit hindi man lang ito pinapansin ni Kai.

Ilang buwan na rin nang manatili sya rito. Mag-isang nag-aaral ng necromancy at sa loob ng mahaba-habang panahong 'yon, marami na rin syang natutunan at halatang mas lumakas na ito.

Hanggang sa may bigla ring grupo ng kababaihan ang lumapit at huminto sa harap ng mesa nya.

Subalit tila hindi ito nakikita ng prinsipe at patuloy lamang ang pagpapakli ng pahina.

Ang nasa unahan ng mga kababaihan ay walang iba kundi si Concubine Lime. Nasa dalawampu't-walo ang edad. Napakaputi ng kanyang balat. May kataasan at maamo ang mukha. Mala rosas ang kanyang labi at mahahaba ang pilik-mata. Kulay asul ang kasuotan nito't nakapusod ang kulay pula nitong buhok. Nakakaakit na mga mata at isama pa ang nakakabighani nitong awra na walang lalaki ang pupwedeng tumanggi sa angking ganda nya.

Kasama nito sa likod ang mga sirbiyenteng hindi rin naman maitatangging mala-dyosa rin ang ganda ngunit hindi maihahalintulad kay Concubine Lime.

"Maaari ka bang makausap saglit, Ginoong Kai?" Tanong ni Concubine Lime, suot sa labi ang matamis na ngiti at malumanay nitong boses.

Isinara ni Kai ang libro at tumayong yumuko bago sumagot. "Pasensya na, subalit may mahalagang bagay pa akong kailangang gawin sa ngayon. Maiwan ko na muna kayo."

Tsaka sya lumisan doon at dumiretso sa labasan.

"Maaari ka bang ma-imbita mamaya sa aking silid? Ninanais ko lamang na tayo'y saglit na magkakakuwentuhan." Saad pa ni Concubine Lime.

Subalit hindi huminto si Kai sa paglalakad na sumagot. "Paumanhin subalit hindi rin ako libre mamaya."

Nakasalubong naman ng prinsipe si Aris sa pasilyo kaya't sandali syang nabigla at nahinto.

Gano'n din si Aris nang mapansin ang prinsipe. "Ah! Sabi na nga ba't nandito ka. Hanap na tayo ni Sir Ains. Handa ka na ba sa pag-alis natin?"

"Ano 'yang suot mo?" Tanong naman agad ni Kai na tinuro ang damit ng dalaga.

Napatingin si Aris sa damit at bahagyang natawa. "Ah. Isa ito sa mga damit ng mga babae sa palasyo. Binigyan ako. Tapos isinuot ko na lang din. Panget ba?"

Nilagpasan sya ni Kai sa paglalakad. "Mas lalo kang gumaganda."

Napatawa si Aris na sumabay sa paglalakad ng prinsipe. "Grabe ka talaga mambola."

"Hindi ka man lang nagpasalamat sa papuri ko."

"Salamat po, kamahalan. Ayos na?" Sabay tawa ng dalaga rito.

Nang mapadaan sila sa may hardin. Napansin nila ang tilian ng mga kababaihan doon. Napansin ito ni Aris at nakita nya ang lalaking kinaguguluhan ng mga ito.

Pareho silang napahinto ni Kai habang pinagmamasdan si Xzyt na nakikipag-biruan sa mga babae hanggang sa mapansin nito ang dalawa nyang kasamahan. "Uy! Tamang-tama. Hahanapin ko pa lang sana kayo." Lumapit si Xzyt sa kanila.

Hindi naman mapigilang mapailing si Kai habang pinagmamasdan ang binatang ito. "Ilang buwan din natin syang hindi nakita. Pero hanggang ngayon, wala pa rin syang ipinagbago." At nauna na itong umalis.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now