Chapter 60. THe FiRE COnjUreR

81 10 0
                                    

Chapter 60. THe FiRE COnjUreR

Third Person's pov

NAWASAK ANG Red Orb maski ang orasa sa sandaling makuha ni Xzyt si Aris sa loob nito.

Tatlong araw muna ang hinintay nila upang manatili sa bayan para makapagpahinga ang dalaga.

"Hindi ka na dapat sumama pa rito. Sinabi ni Sir Ains na hindi ka pa tuluyang malakas kaya bumalik ka na sa kwarto mo at matulog." Nakasimangot na taboy ni Kai sa dalaga habang naglalakad sila sa tabi ng mga tinda ng mga gulay at prutas.

Ngunit hindi ito inintindi ni Aris. Bagkus ay sumagot lamang ito. "Ano ba kayo. Wag nyo na nga akong ginagawang bata. Tsaka malakas na ako. Tatlong araw din akong walang ginagawa, gusto ko nang ipagpatuloy ang paglalakbay."

"Hindi ka talaga nakikinig. Kung gusto mong mapagalitan mamaya, bahala ka." Saad na lang ni Kai sa sarili na mas ikinangiti pa ni Aris.

Hanggang sa huminto si Aris sa isang tinda ng mga prutas at ngiting nagtanong sa ale. "Magkano po ang isa?"

Hinintay ni Kai ang dalaga na matapos makipag-usap doon. Hindi nya mapigilang pagmasdan ito. Hanggang sa lingunin din sya ni Aris at inangat sa isang kamay ang hinog na mangga. "Gusto mo?" Alok ng dalaga na may matamis na ngiti.

"Maiwan na kita." Sabay talikod ng prinsipe at naglakad paalis.

"Hoy! Tsk. Suplado nito." Simangot na bulong na lamang ng dalaga nang iwanan na nga sya ng prinsipe roon.

Nangiti naman ang ale at nagsalita. "Mukhang nag-away yata kayo ng kasintahan mo, binibini."

Nagulat si Aris at hindi makapaniwalang napangiti na lamang dito. "Naku, wala po kaming relasyon. Kasamahan ko lang po sya sa trabaho."

"Uy ano 'yan! Mangga! Salamat dito ha?" Nabigla naman ang dalaga nang hablutin ng isang kamay ang isa sa apat na manggang binili nito.

Napalingon si Aris sa binata at galit itong napabulyaw dito. "Xzyt! Ba't ka ba nanggugulat ha?! Ibalik mo 'yan!"

Kinain na ng binata ang mangga at sarap na sarap ito roon. Kahit balat nginuya na nito na parang gutom na tigre. "Ano ka ba. Wag ka ngang madamot. May tatlo pa naman dyan. Kaya kasya lang sa 'ting apat ang prutas. Di ba binili mo naman 'yan para sa ating lahat?"

Napabuga ng hangin si Aris at namaywang. "Binili ko 'yan kaya akin lang 'yan. Kung nagugutom ka bumili ka ng sa 'yo!"

"Kung gano'n, sya pala ang kasintahan mo?" Tanong muli ng ale.

Ngiting tumango agad si Xzyt dito. "Opo! Paano nyo po nalaman?"

"Naku! Hindi po totoo 'yon. Xzyt! Baliw ka talaga! Bayaran mo 'yang kinain mo!" Sabay naghabulan na ang dalawa habang umiiwas sa mga tao sa paligid.

__

Sa isang ginintuang pintuan sa isang kastilyo, bumukas ang dalawang tarangkahan at pumasok ang isang binatang may marangyang kasuotan.

May mga tagasunod ito sa kanyang likuran at huminto, ilang metro ang layo sa trono kung saan nakaupo si Emperor Moon. May mayordomo na nakatayo sa gilid ng trono at ang nakahawak sa isang lagayan ng kape ng emperador.

Nakayuko ang lahat ng tagasunod sa likuran ni Prinsipe Andrei, na ngiting inangatan ng titig ang kanyang ama. "Tatlong araw na rin ang lumipas mula nang bumalik ako rito, pero bakit yata ngayon nyo lamang ako napagdesisyunang ipatawag sa bulwagan nyo, mahal kong ama?"

Binaba ni Emperor Moon ang baso ng tsaa sa platitong hawak ng mayordomo. Ang makulay na asul na mata ng emperador ay bigla namang nagpaalala kay Prinsipe Andrei tungkol sa binatang nakaharap nya ilang gabi na rin ang nagdaan.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now