Chapter 78. HEdiLLi Incident Part 4

39 9 0
                                    

Chapter 78. HEdiLLi Incident Part 4

Third Person's pov

NANG MAPAWI ang usok sa paligid.

Makikita sa gitna ng sira-sirang bahagi ng lupa ang tatlo sa loob ng isang malakas na energy barrier.

Ligtas sila pareho subalit ang buong akademya'y hindi.

Lahat ng bintana roon ay wasak, walang ni isang natira. Mga pader ay nabitak. Natatanggal na rin ang ilang bahagi nito't halos kalahating porsyento ng isang gusali roon ay nadurog din. Lalo na 'yong pinakamalapit sa kanila.

Ang damuhang lupa ay naagnas. Naging kulay sunog tulad ng mga gusali't puno.

Walang ni isa sa kanila ang makapaniwala rito. Bukod do'n, nakita rin nila si Ryuzen na hindi umaalis sa kinatatayuan nito't blangko pa rin ang ekspresyon na nakatitig sa kanila.

"Hindi na siya ang dati niyong nakilalang anak, kamahalan." Sabi ni Wyain. "kailangan natin siyang talunin agad-agad."

Napapikit si Pan. Niyuko ang ulong napakuyom. "Kasalanan namin 'to."

"Hindi." Saad din ni Saint kaya't nalingon siya ng anak. Tinitigan ng hari si Ryuzen nang may di mapantayang lungkot at pagsisisi sa kanyang mga mata. "kung sinuman ang taong nararapat sisihin sa mga nangyari, ako lang 'yon, wala ng iba. Hindi sapat ang salita upang mabayaran ko ang kasalanang ito kaya't may isang bagay lang na pwede ko pang gawin bilang hari... at 'yon ay ang talunin mismo ang anak ko sa sarili kong mga kamay."

Itinaas ni Ryuzen ang isang braso kaya't nanlaki ang mata ni Wyain. "Mukhang magpapabagsak ulit siya ng pangalawang kidlat!"

Sa hudyat na iyon, mabilis namang gumawa ng binding spell si Saint sa paanan ni Ryuzen. Ngunit hindi pa nga ito tuluyang lumiwanag o nabuo, tumalon na agad paatras si Ryuzen kaya't hindi ito nasapol sa spell.

At bago pa man niya maikumpas pababa ang braso, kidlat naman sa bilis na tinakbo ni Pan ang distansya nilang dalawa't ikinulong nito sa dalawang braso ang braso rin ni Ryuzen kaya't hindi natuloy ang atake nito.

"Ngayon na!" Sigaw ni Pan sabay sipa sa likurang tuhod ni Ryuzen kaya't napilit itong mailuhod ang paa na 'yon sabay ikot ni Pan sa likod nito't idinikit sa likod ni Ryuzen ang sariling brasong hawak ni Pan, sabay tulak ng kanyang paa sa batok ni Ryuzen hanggang mabilis ding bumagsak sa lupa ang mukha ng kuya niya't nagkaroon iyon ng malawak na pagkakabitak.

Kasabay no'n ay ang paglitaw naman ng sealing spell sa kinadadapaan ni Ryuzen habang nakapatong sa likod ng ulo nito ang paa ni Pan.

"Wyain, tumulang ka!" Sigaw ng hari upang sana'y mas lumakas ang sealing spell na gagawin nila subalit tila hindi nakakarinig ang punongguro.

Maliit na kadena ang lumabas sa circle spell at nag-uumpisa na ring binalot nito ang katawan ni Ryuzen.

Nag-akmang magpakawala ng malakas na kidlat si Ryuzen pero napansin ito ni Pan. "Binding spell!"

Narinig ito ni Saint at isinabay niya sa sealing spell circle ang binding spell circle kaya't mabilis ding nanghina ulit si Ryuzen doon.

Nilingon ng hari si Wyain. "Ano bang ginagawa mo?! Pagkakataon na natin 'to! Tumulong ka na, Wyain!"

Pero hindi rin nagtagal, nasira ang binding spell kaya't gulat si Saint na napaatras sabay naramdaman ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang ilong. Imposible! Paano niya napwersang makawala sa binding spell gamit lamang ang pisikal na lakas niya?! Isang halimaw ang lakas na taglay niya! Hindi ako makapaniwala! Masama ito! Kapag nagpatuloy ito!

"Binding spell!" Muling sigaw ni Pan. Binalot ng buong lakas ng enerhiya ang katawan upang mas mapalakas ang pisikal na kakayahan at mapanatiling nakabaon sa lupa ang mukha ni Ryuzen.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now