Chapter 14. The Guy who likes Attention

141 22 2
                                    

Chapter 14. The Guy who likes Attention

Third Person's pov

SABIK ANG lahat sa maaaring mangyaring labanan sa paligsahang ito. Mayroong naniniwalang ang Aries Section ang muling maitatanghal ulit na kampeon subalit hindi gano'n kadaling magpapatalo ang iba ring section.

Siniguro nilang ang lalahok sa bawat section nila ay ang kinikilala talagang pinakamahusay sa grupo at magdadala sa kanila sa pagkapanalo.

May iilan sa noble family heads—hindi. Lahat ng mga noble family heads ay nagsisimula na ring magpustahan sa kung sino ang pambato nilang section at talagang sikat na sikat ang Aries section sa botohang ito.

Ni wala namang isang nagbigay ng pusta sa Pisces section dahil alam naman nila kung gaano ito kahina at ka-walang kwentang grupo ng mga estudyante. Mapapahiya lamang sila kung lilihis sila ng interes mula sa dapat ay siguradong magpapanalo sa kanila.

"Oh! Family Head Dyle. Ano pa bang hinihintay mo? Hindi ka ba makikisali sa pustahan? Ikaw na lang ang wala pang pusta rito." tugon ng kasama nitong Family Head din dahil siya lang ang tanging tila walang pakialam sa mga nangyayari.

Ang gusto niya na lamang ay ang bumalik sa kaniyang mansyon at asikasuhin ang napakalaking utang nito sa kaniyang kamahalan.

Tumingin siya sa kumausap sa kaniya't nag-isip. "Kung gano'n, pupusta ako sa Pisces section." lahat ay nabigla at natawa sa naging saad ni Family Head Dyle. Ngunit seryoso ang lalaking ito sa kaniyang mga sinabi.

Wala na rin siyang pakialam pa dahil pabagsak na ang pamilya niya sa kanilang utang. Iniwan na siya ng kaniyang asawa't mga anak para ito'y bumalik sa orihinal nilang bansa kaya ang taong ito'y mag-isa na lang na namumuhay sa kaniyang mansyon.

"Ano bang pumasok diyan sa maliit mong kokote, Dyle? Alam mong palubog na ang noble family mo tapos ito pa ang gagawin mo? Mag-isip ka naman, pwede kitang pautangin para ipusta sa Aries section. Magkaka-pera ka na ulit, ayaw mo ba no'n?"

Mapang-abuso at mapanlinlang. Alam na alam ni Family Head Dyle ang tumatakbo sa mga utak ng walang kwentang noble heads na ito. Puro pera ang nasa utak at hindi kailanman nagkaroon ng mapagkakatiwalaang mga kaibigan.

Kapag may pera ka, pwede mong maging kaibigan ang kahit na sino. Alam nila ang pakinabang mo sa buhay nila kaya para silang lintang kakapit sa 'yo hanggang sa masipsip lahat ng pagmamay-ari mo. Kapag nangyari 'yon at patay ka na sa pera, para ka na lang aliping itatakwil at hindi na kailanman magkakaroon pa ng kaibigan o pamilya.

Masamang tumingin si Dyle sa taong ito't tinanggal ang mamahaling singsing sa kaniyang daliri. "Anong pakialam mo kung anong gusto kong gawin. Nasa section na 'yon ang anak ng kapatid ko. Mali bang magbigay ng suporta sa kamag-anak, ha?" matigas na tugon niya't nilagay sa silver plate ang kaniyang pusta.

Ang taong kausap niya isa sa dahilan kung bakit nawala sa kaniya ang lahat-lahat. Kaya't gusto niyang ipamukha rito kung paano siya magre-rebelde hanggang sa may hininga pa siya.

Natahimik na lamang ang noble head na iyon at naupong tila nawalan ng kunting gana sa kaniyang ginagawa.

Narinig iyon ng ibang noble heads, lalong-lalo na ng Headmaster kaya't nagpatawag agad siya ng kawal. "Papuntahin mo rito si Ains. Kailangan ko siyang makausap."

"Masusunod po."

Hindi nagtagal.

Dumating si Ains sa tabi ng headmaster at yumukong nakasaklop ang dalawang kamay sa likuran. "Ipinatawag nyo raw po ako, Headmaster Wyain."

Tumayo ang punong-guro at bahagyang lumayo sa kaniyang upuan. Sumunod sa kaniya si Ains at nagharap silang tiningnan ng headmaster na nagwika. "May hindi ka yata sinasabi sa akin, Ains. Pwede mo bang ipaalam na sa akin ngayon? Hindi mo gugustuhing sa bibig ko pa mismo ito manggaling, hindi ba?"

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now