Chapter 36. Bold Journey

107 16 2
                                    

Chapter 36. Bold Journey

Third Person's pov

PATULOG na ang lahat. Nadagdagan ang mga bantay sa akademya at maaliwalas na ang hangin hindi tulad dati na puro napupuno ng kadiliman at sikreto.

Mag-isa si Kelos sa kanyang opisina dahil marami itong ginagawa. May festival sa kanilang akademya na paparating ilang araw na lang kaya't abalang-abala ang guro sa mga bagay na ito.

Samantala.

Sa isang kwarto sa mga dorm ng paaralan. Nasa loob sina Ains, Kai, Xzyt at Aris. Nasa tabi ng bintana ang prinsipe, nakapamulsang nakatitig lamang sa labasan, habang si Ains ay nasa isang sopa at nagbabasa ng libro.

Si Xzyt naman ay nakahiga sa mahabang sopa, nakaunan ang isang braso habang ang isa ay nilalaro ang isang kutsilyo sa kanyang mga daliri.

Ang nag-iisang dalaga ay nasa sopa lang din, katabi ang kanilang guro.

Hanggang sa biglang mapabuga ng hangin si Xzyt at nagsalita. "Grabe talaga kayo, Ginoong Ains. Hindi ako makapaniwalang tatanggihan nyo ang alok ng headmaster na manatili rito hanggang sa festival. Pagkakataon na natin 'yon para makapagsaya naman kahit papa'no!" tila bata itong nagmamaktol sa hinihigaan nya.

Nilipat ni Ains ang pahina ng libro bago sumagot. "Hindi nating obligasyong magpakasaya habang nasa gitna tayo ng misyon, Xzyt. Matalino ka kaya dapat alam mo ang mga tungkuling 'yon."

Napanguso ang binata. "E hindi naman gano'n ang pinupunto ko. Ang gusto ko lang bigyan natin ng parangal ang mga sarili natin dahil tagumpay ang misyon natin dito."

Inis naman syang tinitigan ni Kai. "Kahit gaano ka katalino. Nabobobo ka pa rin talaga,"

"Sakit no'n." bulong ni Xzyt na sabat.

"Hindi ka nag-iisip. Paano kung dumating dito ang mga Diablerie habang nasa festival tayo? Ano na lang ang magagawa natin para piliting walang mapahamak sa kanila? Kaya mo bang patayin ang anim na 'yon habang pinoprotektahan ang buong Ireval? Kapag nasagot mo 'yan, baka payagan ka pa ni Ginoong Ains." galit na sabi ng prinsipe.

Nilingon ng guro si Kai. "Mahal na prinsipe, huminahon ka. Wag mo ng palakihin ang usapang ito."

"Wag nyo pong mamasamain pero hindi nyo dapat pinapaboran ang lalaking 'to!" turo ni Kai kay Xzyt tsaka lumingon ang prinsipe kay Ains. "Habang tumatagal, lumalaki ang ulo nya. Ang dapat sa kanya, bigyan ng sariling misyon at nang hindi nakakaabala sa iba."

Napapisil sa ilong si Ains na pumikit. "Mabuti pang magsitulog na lang kayo. Maaga tayong aalis bukas kaya't kailangan nyo ng sapat na pahinga." sabay tumayo sya at lumabas ng kwartong 'yon.

Pati ang tahimik na si Aris ay sumunod na rin. Hindi nya napapansin ang lihim na pagmamasid sa kanya ng binatang si Xzyt hanggang sa makalabas ang dalaga.

Dalawa na lang silang natira rito. Naupo naman si Kai sa sopa na kaharap ni Xzyt. Nagtitigan sila hanggang sa pagtaasan ito ng kilay ng prinsipe. "Ano pang hinihintay mo? Nasa kabila ang kwarto mo hindi ba? Umalis ka na kung ayaw mong mag-init pa lalo ang dugo ko sa 'yo."

Umungol si Xzyt na bumangon. "Pwede naman tayong tabi matul—"

"ALIS!" sabay nagpalabas ng lobo si Kai kaya't kidlat pa sa bilis na nakalabas at naisara ni Xzyt ang pinto habang mapang-asar talagang nakangiti.

Tsaka nya narinig ang pagbuntong-hininga ni Ains. Naghihintay pala ito sa kanya ritong nakasandal sa gilid ng pasilyo habang may makahulugang titig.

Napangiti ritong humarap si Xzyt. "Pwede po ba tayong mag-usap?"

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now