Chapter 21. Murder in the Hallway

138 15 0
                                    

Chapter 21. Murder in the Hallway

Third Person's pov

BUKANA NG gubat ang nilabasan nila at sa halos kalahating araw ng mga itong paglalakad. Sa wakas. Narating na rin nila ang kanilang pupuntahan nang papalubog na ang haring araw.

Ang kaharian ng Orklaine ay tanaw na nila sa mga mata kaya't wala na rin itong sinayang na sandali at tinuloy na ang paglalakad papunta sa lugar.

Nadaanan nila ang bayan na tila nagsasaya para sa paparating na mahalagang araw para sa kanilang mahal na hari. Malinaw na mga nobles ang nakatira sa bayang ito dahil tila lahat ng mga tao ay may mararangyang kasuotan at talagang magaganda rin ang dekorasyon sa kanilang mga kabahayan.

Habang ito'y pinagmamasdan ni Xzyt. Hindi nya mapigilang maikumpara ito sa lugar kung saan sya nagmula. Ang bayang hindi kailanman minahal ng kanilang sariling hari at tuluyang inabandona. At ginawa pang alipin sa kamatayan at ginagawang mga katuwaan ang mga buhay.

Kung pupwede lang sana, ay gusto nyang balikan ang bayan nyang 'yon para naman kanyang mabisita kung ano na ba ang nangyari sa mga ito.

Habang nasa daan, tatlong kawal ng kaharian ang agad sumalubong sa kanila. Nagpugay ng kamay ang mga ito kay Ains bago nagsalita 'yong isa. "Ginoong Ains. Mabuti at nakarating kayo rito ng ligtas. Inaasahan na po ng mahal na hari ang inyong presensya."

"Mabuti. Ihatid mo kami sa kanya."

"Masusunod."

Nauna ng maglakad ang mga ito habang sina Xzyt naman ay nakasunod lang din.

Ang tahimik na Kai na walang pakialam sa mundo ay napabuntong-hininga sa inis. Pa'no ba naman. Tila ba'y puro mga mata ng kababaihan ang nakatingin sa kanyang gawi na parang kinukuwestiyon ang pagpaparito nito sa lugar nila.

Kilalang-kilala sya ng mga nobles dahil isa sya sa mga prinsipe ng Hedilli. Pero kahit itanggi pa man nya ito sa mga babaeng 'yon. Wala syang balak magsayang ng oras para linawing matagal na syang nawalan ng karapatang maging isa pang prinsipe ng kanyang sariling kaharian.

Nakapasok na sila sa loob ng palasyo.

Napakalawak ng hardin sa loob at may lawa pa sa hindi kalayuan at isang nakalutang na bahay sa gitna ng tubig.

Puno rin ng mga guwardiya ang paligid kaya't masasabing ingat na ingat talaga ang kahariang ito sa kaligtasan ng maha-harlika.

Pumasok sila sa malaking bukana ng palasyo't sumalubong naman ng napakaganda't malawak na bulwagan dito.

Umakyat sila't sumalubong sa kanilang pagliko ang mahabang pasilyo. Napakaraming kwarto sa bawat nadadaanan nilang bahagi hanggang sa nahinto sa isang dobleng pinto at doon nakita sa loob ang mismong bulwagan o ang silid kung saan nakaupo ang hari sa kanyang trono.

Maraming guwardiya rin sa bawat sulok ng bulwagan.

Yumuko ang dalawang grupo sa harapan ng trono at nagwika ang kawal sa opisyal na pagdating ng grupo ni Ains.

Nang sabihan sila ng hari na tumayo kaagad naman nila itong ginawa. Tsaka naman nagtama ang tingin ni Xzyt at ng hari kaya't sa bigla-bigla'y dumulas ang kamay ng kamahalan at nahulog ang baso ng alak na hawak-hawak nito ngayon.

Umalingawngaw ang pagkakabasag ng basong 'yon. Kumalat ang alak sa sahig habang gulat naman ang lahat sa kanilang hindi inaasahang masasaksihan.

"May problema po ba, kamahalan?" tanong ng nagtatakang si Ains sa hari.

Ang kamahalan naman ay hindi maalis ang titig kay Xzyt hanggang sa ang matanda na ito mismo ang nagbaba ng tingin at pilit huminga ng malalim upang mapakalma ang sariling puso sa kaba. Hindi ako makapaniwala. Sino ba ang batang ito?

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon