Chapter 31. The Search of the Three Shadows - Part 1

123 14 3
                                    

Chapter 31. The Search of the Three Shadows - Part 1

Third Person's pov

MALAMIG.

MADILIM.

Ang gabi'y hindi nagkakaroon ng katahimikan dahil sa sunod-sunod na mga pagkulog mula sa umiiyak na kalangitan.

Walang tao sa mga kalsada. Lahat ng estudyante ng akademya'y nasa kani-kanilang mga silid na rin. May ibang nag-uusap-usap. May ibang nag-aaral. May ibang mahimbing na ang tulog habang ang iba nama'y inaaliw at pinapaantok ang sarili habang pinagmamasdan ang buhos ng ulan mula sa bintana.

Maiisip mong ito'y payapang lugar sa Ireval. Bawat araw masasaya ang mga estudyanteng pumupunta sa kani-kanilang mga klase. Mga nagkakasundong mga guro at mga kawal.

Tila isa itong perpektong lugar na nanaisin ng nakararami na mapuntahan. Subalit sa kabila ng liwanag at init na nakikita sa panlabas na imahe ng lugar. Ang totoo nito'y may mas mabangis na kadilimang nagtatago sa kailaliman ng puso ng bawat isa.

Napakalamig na pagnanasa ng kapangyariham. Pagnanasa sa laman. Pagnanasa sa atensyon, dangal at kayamanan.

Natural na hangarin ng bawat isa na pilit itinatago sa iba. Ngumingiti ng malawak upang ipakita ang maaliwalas na imahe sa mga mukha. Subalit sa kaloob-looban nito'y isang malupit at malamig na mukha ng demonyong napapariwa dahil sa kasakiman ang sapilitang itinatago mula sa liwanag at katotohanan. Na gumagamit ng salitang kasinungalingan.

Sa loob ng bulwagan sa kadiliman ng lugar. Walang sinuman ang nakakaalam nito maliban sa tatlong anino na nakupo palibot sa isang pabilog na lamesang yari sa pilak.

Nakatayo sa gitna nito ang isang kandilang sampung minuto nang nakasindi base sa natunaw ng mga bahagi nitong umaagos at kumakalat sa mismong mesa.

Ngumiti ang isa sa anino at sa malamig na boses nagsalita ito. "Tapos na ang ating matagal na paghihintay. Bukas ng gabi, sisimulan na natin ang plano."

"Wala pang balita kay Gavorn. Hindi mo sya nakausap tungkol dito?" saad ng isa pang anino.

"Alam na ng heneral na 'yon kung ano ang plano, hindi ba? Bakit pa natin sa kanya uulitin?"

Sa gitna ng kanilang pag-uusap, dumating ang isang kawal at luhod na ibinagay sa anino ang ang isang sulat. Nang kanya itong mabuksan. Nalakumos nya ang papel na ikinapagtataka naman ng dalawa pa.

"Inutil!" galit na boses na saad nito.

"Tila ba'y nakatanggap ka ng isang masamang balita." ani ng isang aninong katapat nya.

"Wala na si Gavorn. Patay na sya! PINATAY SYA!"

"Huminahon ka."

"Ang plano ay itutuloy kahit wala na sya." tumayo ang anino na galit na galit. Lumikha iyon ng maingay na tunog sa kanyang upuang kahoy.

"Subalit mahihirapan tayo kung magpapadalos-dalos agad tayo. Ngayong wala na ang hukbo ni Gavorn hindi na magiging maganda ang daloy ng trabaho." saad ng isang anino. Nanatili syang kalmado gaya ng isa pa.

Ang aninong nakatayo ay mariin silang tinitigan sa mata bago ito nagsalita. "Tutulong ang Diablerie sa atin. Hihingi ako sa kanila ng suporta kahit ano pa mang maging kapalit no'n."

"Nababaliw ka na."

"Sumang-ayon man kayo o hindi, desisyon ko ang masusunod sa bandang huli." huling sambit nito bago mabilis na nilisan ang madilim na silid.

--

Kinaumagahan ng maulang gabi na 'yon.

Maayos na nakarating ang grupo ni Ains sa akademya ng Ireval. Tulad ng bilin sa kanya sa sulat. Pinapasok sila sa loob at narating ang opisina ni Headmaster Kelos.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now