Chapter 76. HEdiLLi Incident Part 2

42 9 0
                                    

Chapter 76. HEdiLLi Incident Part 2

Third Person's pov

HALOS GUMUHO na ang istadyum sa dami ng bitak sa paligid nito mula sa walang tigil na pagkalat ng kidlat mula sa katawan ni Andrei.

Habang nagkakagulo naman ang mga estudyante't panauhin na lumikas papalabas doon.

"Naku, wag kayong matakot. Isuko niyo na lang ang mga buhay niyo nang sa gano'n hindi na kayo mahirapan pa. Ha?!" Sabay bulusok ng isang malakas na kidlat tungo kay Headmaster Wyain.

Subalit nakagawa rin agad ng spell barrier sa harap ang matanda kaya't kumalat lamang ang kidlat sa paligid na nagpasama pa lalo sa pinsalang tinatanggap ng buong paligid.

"Ho? Malakas ka pala. Hindi halata." Komento nu Andrei rito.

"Bakit mo ginagawa ang bagay na 'to?! Hindi gawain ng isang prinsipe ng imperyo ang magsimula ng digmaan!" Sigaw ni Wyain sa binata.

Sabay nagpalabas ng white binding spell sa paanan mismo ni Andrei. Subalit bago 'yon tuluyang umepekto, kinumpas lamang ng prinsipe ang palad pababa at isang mas malakas na kidlat ang bumulwak at kumalat mula sa katawan niya.

Nagkapira-piraso ang lupa't nagkabitak ang paligid ng istadyum sa lakas. Nagulo ang white binding spell dahil sa tindi ng kidlat na kumawala roon kaya't mas lalong napangisi si Andrei. "Hindi ako naparito para makipagkuwentuhan sa'yo, tanda. Nandito ako para pumatay!"

"Para sa isang prinsipe..." Tapos bigla namang litaw ni Pan sa likod ni Andrei. "...nakakadiri kang pagmasdan." Sabay lapat ng palad sa likod ni Andrei at kumawala ang napakalakas na wind blast.

Halos nadurog ang katawan ni Andrei na tumalsik sa lakas ng hanging kumawala na dumagdag sa malawak na sugat ng lupa.

Bumangga sa pader ang katawan nito't nabaon at natabunan ng bumagsak na mga debris. At bago pa ito tuluyang makabangon, pinagalaw ni Wyain ang lupa sa paligid ng nakabaong katawan ni Andrei at kinulong ito sa pamamagitan ng lupang 'yon. Bago rin nagpalabas ng napakalakas na apoy at sinunog ang kulungang lupa na iyon upang tumigas.

At sa tulong ng hanging pinapakawalan ni Pan na kino-kontrol niya sa paligid ng kulungang lupa na talagang nagpa-ipon sa apoy sa iisang lugar lamang.

Habang ginagawa nilang dalawa ito, ginamit itong pagkakataon ng ibang guro at kawal na maipalikas na rin ang iba papaalis ng istadyum.

"Gusto kong tumulong!" Sigaw ni Daizen habang pilit siyang pinapalikas ng mga guro kasama ng iba pa nitong kapatid.

Kaya't tinitigan siya ni Pan mula sa malayo na sumigaw din pabalik. "Umalis na kayo rito! Masyadong mapanganib!"

"Pero!"

"Alis na!"

Tuluyang nakaladkad ng guro si Daizen papaalis doon. Dumaan sila sa kaparehong sikretong pasilyo na tinungo ng hari kanina.

"Ikaw din, Prinsipe Pan. Dapat ka na ring lumika-"

"Hindi kita iiwan sa baliw na ito, Headmaster Wyain. Tutulungan kitang tapusin siya kahit na ikamatay ko pa."

Natigilan saglit si Wyain sa kaniyang narinig. Pero di katagalan, ngumiti siya. "Kung gano'n, gawin natin ang lahat para pigilan siya!"

"Opo!"

Ngunit sa kabila ng pinagsamang hangin at apoy para lang tuluyang sunugin ang mapanghamak na prinsipeng ito, biglang sumabog ang kulungang lupa at nanaig ang napakalakas na puting kidlat na kumawala sa paligid.

Naglaho ang dalawang mahika't nag-umapaw naman sa buong paligid ang kidlat kung saan naroon si Andrei.

Nagsitalsukan ang mga naglalakihang bitak sa lupa't semento. At sa kapangyarihan ni Andrei, kinontrol niya ang mga sirang bagay sa ere at lupa at tila bala na nagbulusukan ang mga ito kina Wyain at Pan.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now