Chapter 24. The Criminals

105 17 1
                                    

Chapter 24. The Criminals

Third Person's pov

MALALIM NA nag-iisip si Xzyt.

Maski sya'y alam na alam na kung sino ang salarin kaya't kampante ang kaloob-looban nya sa mangyayaring pag-uusap ngayon. Ang pinoproblema lamang nya ay hindi nya pa alam kung ilan ang salarin o kung iisa nga lang ba ang kriminal na tinutugis nila rito.

Sa kabilang banda. Hindi nya alam kung buong kawal ba o ang mismong buong palasyo mismo ang salarin dito. Kahit na masyado 'yong imposible, isa pa rin 'yong posibilidad na may isang porsyentong tiyansa na maaaring totoo.

Nang makababa si Kai. Naabutan nya si Xzyt sa gitna ng bulwagan. Huminto syang nakahalukipkip, apat na metrong nasa gilid ng binata at pinagmasdan din ang tatlong suspek. May talim sa bawat titig nya sa isa sa mga ito.

Para bang ilang bilyong beses na nyang pinapatay ang mga ito sa klase ng titig nyang 'yon kaya't hindi maiwasang mailang ng kaunti ang tatlong katiwala na ito.

"Hula ko, hindi mo pa alam kung sino ang gumawa ng krimeng 'to." si Prinsipe Kai na mismo ang nagbukas ng usapan sa binatang si Xzyt.

Sumulyap sya sa prinsipe. Nakapamulsa at saka nagsalita na nakangisi. "Base sa uri ng pananalita mo, mukhang may naging konklusiyon ka na rin patungkol dito."

"Halata ba masyado?"

"Wag kang mag-alala. Hindi lang naman ikaw ang nag-iisip sa grupong 'to." tugon ni Xzyt.

Dumating din si Ains at kasunod naman ang reyna.

Nanatili lamang si Aris kasama ang prinsesa sa loob ng silid nito sa itaas.

Nang mapagmasdan ng reyna ang tatlong katiwalang ito, napakunot-noo syang nahinto sa kanyang mga hakbang. "Anong ibig sabihin nito, ginoong Ains?" saby tingin nya sa guro.

Si Xzyt na ang sumagot. "Sila po ang tatlong suspek sa krimeng ito, mahal na reyna."

Hindi makapaniwalang napatingin ang reyna sa ginoong si Oscar. "Anong ginagawa mo, Oscar?"

"Patawad, mahal na reyna subalit ginagawa ko ito upang patunayan ang pagiging inosente ko." bahagyang yuko nitong sagot.

Napabuntong-hininga ang reyna at nag-iwas ng tingin. Kung titingnan, normal na hindi kayang paniwalaan ng reyna ang nakikita nya ngayon.

Dahil sa dinami-rami ng pwedeng paghinalaan, ang mayordoma pa talaga ng palasyo ang isa sa mga ito na matagal ng nagta-trabaho para sa kamahalan.

Samantalang tahimik lamang din ang dalawang katiwala roon. Natural silang hindi basta-basta gumagawa ng kahit anong kakaibang kilos dahil hindi naaalis ang mata ng tatlong ito sa kanila.

Tahimik man. Subalit hindi mahahalata ng normal na tao na walang kurap na pinapanood nina Xzyt, Kai, at Ains ang lahat ng kilos ng mga tao sa loob ng bulwagang ito ngayon.

At dahil nasa lugar lang na ito ang salarin. Nagpapasalamat talaga sila dahil hindi na nila papagurin ang sariling maghahanap ng anino ng kriminal sa paligid ng palasyo para lang mahuli ito.

"Kung gano'n. Pwede na tayong magsimula." ani Xzyt. Sabay itinuro ang matandang katiwala. "Ikaw ang pumatay sa hari, hindi ba?"

Gulat na gulat ang lahat sa kanilang narinig. Nagkatitigan sina Kai at Ains na halatang hindi man lang inakala kahit kunti na ito ang magagawang konklusiyon ni Xzyt sa lahat ng nakuhang ebidensya nya sa pakikipag-usap sa mga ito.

Maski ang mga kawal sa paligid at gano'n na gano'n din ang reaksyon. Ang mahal na reyna ay hindi rin talaga makapaniwala dahil sa tila nababaliw na konklusiyon ng binatang si Xzyt subalit ang binatang ito'y hindi man lang makikitaan ng senyales na ito ay nagbibiro lang.

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now