Chapter 64. THe EMperOr's GuEsTS

75 11 0
                                    

Chapter 64. THe EMperOr's GuEsTS

Third Person's pov

NAKANGANGA ANG naglalaway na bibig ni Xzyt habang nakasandal sa gilid na bahagi ng tumatakbong karwahe. Tulog na tulog ito roon at kahit maingay at magalaw ang takbo ng sasakyan nila, hindi man lang ito maistorbo mula sa sariling mundo nya.

Hanggang sa yugyugin din sya ni Kai sa balikat upang ito'y maalimpungatan man lang. "Gumising ka na. Malapit na tayo sa kastilyo ng imperyo."

"Ha? Wag ka ngang magbiro, panget. Ang layo-layo pa natin, istorbo." Tila lasing na bulong ni Xzyt habang tulog na tulog pa rin itong mas sumuksok pa sa gilid.

Nagpakita agad ang ugat sa noo ni Kai sa galit at inakmang sasakalin na sana nya ito nang agad din syang iwakli ni Ains papaalis.

Ang guro na ang pumukaw sa binata. Tinapik nya si Xzyt sa balikat bago niyuyugyog. "Gumising ka na, Xzyt. Nandito na tayo."

Tuluyang huminto ang karwahe sa harapan ng isang malaking tarangkahan kung saan din ay nakaabang ang maraming kawal ng kastilyo.

Umungol si Xzyt habang nakakunot ang kanyang noo. "Hmm?"

Nakalabas na si Kai sa karwahe habang hila hila ni Aris na natatawa.

"Nandito na tayo. Kaya gumising ka n-"

"Nagtanong ba ako?-" nabigla na lamang ang lahat nang tumilapon palabas ng karwahe si Xzyt at nakita na lamang nila si Ains na umuusok ng bahagya ang ulo na lumabas din sa sakayang 'yon.

Nagkatinginan sina Kai at Aris bago sumunod sa guro. Ni hindi na nila inintindi kung napano na ang kasamahan nilang ibon na lumipad kani-kanina lang.

Sa tarangkahan banda. Sinalubong naman sila ng ilang kawal kasama si Alfonso na nasa likod ang mga kamay.

Yumuko rito si Ains kaya't natawa si Alfonso na umiling. "Naku, wag mo na akong patawanin pa, Ains. Itigil mo na 'yan."

"Ngunit isang malaking utang na loob ang ginawa mo para papasukin kami sa kastilyong ito. Ayoko namang matawag na walang galang sa harap ng isang kaibigan kung itinuturin mo pa rin akong isa." Tugon din ng binatang guro.

Napangiti lamang si Alfonso. "Hanggang ngayo'y napaka-magalang mo pa rin kahit sa akin. Gusto mo bang ipakilala sa akin ang mga estudyante mo?"

Yumuko naman pareho ang tatlo.

"Sya si Aris. Isang anak ng marangal na pamilya sa Hedilli." Pakilala ni Ains dito.

"Magandang araw po sa inyo." Ngiting saad ng dalaga na tinanguan lang din ng nakangiting mayordomo.

"At sya naman si Prinsipe Kai. Ang kamahalan." Dugtong ni Ains.

"Ah! Ang mahal na prinsipe ng Hedilli. Ikinagagalak kong makilala kayo, kamahalan." Ani Alfonso na may kasamang pagyuko.

Yumuko rin ulit dito si Kai na may kalmadong boses na nagsalita. "Marami pong salamat sa inyong tulong."

At sa huli, iginiya ni Ains ang tingin ni Alfonso sa pangatlo. "At sya naman si Xzyton Gray. Ang binatang may totoong sadya talaga sa kastilyong ito kaya kami naparito."

Yumukong nakangiti si Xzyt sa mayordomo. "Magandang umaga po sa inyo, Ginoong Alfonso."

Kunot-noong nilapitan ito ni Alfonso. Sandali silang nagkatitigan bago ito nagbigay ng kanyang komento habang nakatingin kay Ains. "Nakasisiguro ka ba talagang gusto nyang aralin ang Sealing Barrier Circle, Ains? Hindi ko pinapalabas na mali ka, pero hindi ko lang talaga mapigilang magduda sa katauhan ng estudyante mong ito. Patawad sa pagiging prangka ko pero nagsasayang lamang kayo ng oras sa layuning ito."

The Grim Reaper's Hourglass [COMPLETED]Where stories live. Discover now